Chapter 12: Realization

31.3K 336 21
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 12:  Realization

 
PENNY

Narito kami ngayon sa bahay nina tito Vassil para sa funeral ni tita Lea. 3 days na rin ang nakakalipas mula noong mamatay siya. At sa loob ng tatlong araw na burol niya, hindi kami umalis na buong pamilya. Ang sabi ni dad kay tito, wala raw ibang magdadamayan kung hindi kami kami.

Medyo okay na si tito Vassil. May mga oras na tulala pa rin siya. Pero nakakaharap na siya nang mabuti sa mga bisita.

Napatingin ako kay mama. Ilang araw din siyang umiyak. Malapit kasi ang loob niya kay tita Lea.

Tinutulungan ko naman si ate Vanessa sa pagbabantay kay baby Vosz na hindi tumitigil sa pag-iyak. Parang nararamdaman niya na wala na siyang mama. Sa kanya ako pinaka naaawa. Baby pa lang siya, wala na siyang mama.

 
Tumingin ako sa direksiyon ni Vaughn. Tahimik lang siyang nakaupo. Parang laging may malalim na iniisip. Siya lang ang hindi makausap sa kanilang lahat. Palagi siyang tulala.
 
Pero mula nung insidente sa ospital, hindi na ulit siya umiyak. Wala ka na ring makikitang emosyon sa mukha niya. 

Hindi ko muna siya pinilit kausapin. Alam kong kailangan muna niya makapag-isip. Noong nasa ospital kami, lagi niyang sinisisi ang sarili niya. Kahit hindi ko alam ang totoong nangyari, alam kong hindi niya kasalanan yon.

Walang may gusto sa nangyari. Aksidente lang ang lahat ng iyon.

 
Ngayong nakikita ko siyang ganyan, parang nasasaktan din ako. Parang namatayan din ako. Ganun pala ang feeling kapag may taong mahalaga sa buhay mo ang nasasaktan. Minsan, umiiyak ako sa isang sulok. Umiiyak ako para kay Vaughn. Tuwing tinitignan ko siya, parang dinadaganan ng kung anong mabigat na bagay ang dibdib ko. 
Maya maya, nakita ko siyang tumayo at lumabas. Papunta siya sa garden ng mama niya. Iyon ang ala-ala niya sa mama niya. Naalala ko pa dati noong ikinukwento niya ang garden na yon, doon mo makikita na mahal na mahal niya talaga ang mama niya.

 Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sumunod ako sa kanya. Alam kong kailangan niya munang mapag-isa. Pero kailangan niya rin ng karamay. Alam kong sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. At handa akong damayan siya kahit anong oras. 

 
Umupo siya roon sa swing kung saan kami naging magkaibigan. Lumapit ako.
 
Lumingon siya sa akin at tinignan lang ako—wala pa ring emosyon sa mukha niya. Pagkatapos ay tumingin ulit siya kung nasaan ang mga bulaklak.

 Oh Vaughn. Naaawa ako sa kanya. Bakas na bakas sa mukha niya ang hirap ng kalooban niya. Dahan dahan akong umupo sa tabi niya.

Ilang minutong walang nagsasalita sa amin. Pinagmasadan lang namin ang garden ni tita Lea. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para pagaanin ang loob niya.

 


"I'll miss her," pagbubukas niya ng usapan.

Tumingin ako sa kanya. Ngayon, puno na ng sakit at the same time pagmamahal ang mukha niya. Nakinig lang ulit ako sa kanya. Ito lang ang magagawa ko ngayon.

"Her smile, her laugh, her hugs, kisses. Everything about her." Ngumiti siya nang kaunti.

"Kung alam ko lang na iyon na pala ang huling yakap at halik niya sa akin. Hindi ko na sana siya binitiwan.” Halatang pinipigilan lang niyang umiyak.

 

"Kasalanan ko ang lahat. Sana hindi ko na lang sinagot si papa. Kung nagpapigil lang sana ako kay mama, hindi sana mangyayari ito," patuloy niya.

 
Nagulat ako sa sinabi niya. Pero hindi ko ipinahalata.

"I saw her die. She was hit by a truck in front of me." Napayukom ang kamao niya. Nangingilid na ang luha niya.
 
Parang may nagbara sa lalamunan ko dahil sa mga narinig ko. Sobrang sakit siguro na makita niyang namatay ang mama niya sa harapan niya mismo. Naawa ako sa kanya. Nasaksihan niya yon. I can imagine his pain. Kung sa akin siguro nangyari yun, baka hanggang ngayon, nagwawala pa rin ako.

 "I hate myself. I hate myself very much!" matigas niyang sabi.

 "Don't," bulong ko.

 Napatingin siya sa akin.

"Hindi mo kasalanan. Hindi mo ginusto ang nangyari. It was an accident," mahina kong sabi. Totoo yon. Wala siyang ginawang mali.

"Hindi mo naiintindihan! Nasagasaan siya dahil sa paghahanap sa akin! I ran away! Nag-aalala siya sa akin kaya hinanap niya ako kahit delikado! Malas ako Penny! Im a nuisance in this family! How can I not blame myself!?"

 Nakita kong nanunubig na ang mga mata niya, pero pilit niya paring pinipigilan.

 
Tumayo ako. Pumunta ako sa likuran niya sa niya. Dahan dahan kong ipinalupot ang bisig ko sa leeg niya. Ipinatong ko ang ulot ko sa balikat niya.
 

"Don't cry. Ako na lang ang iiyak para sa’yo Vaughn," umiiyak na sabi ko.

 Nanigas siya. "Malalampasan mo rin ang lahat ng ito."

 
Hinawakan ko ang damit niya. "Don't blame yourself. Hindi matutuwa si tita kung palagi mong sisihin ang sarili mo." Alam kong masaya si tita dahil mayroon siyang anak na isang katulad mo.

 "Kung saan man siya naroroon, siguradong masaya na siya. Kaya sana maging masaya ka na rin." Nandito ako, tutulungan kitang sumaya. 

 
"Nandito lang ako. Hindi kita iiwan, promise. Kahit anong mangyari. Basta ipangako mo na ngingiti ka na ulit pagkatapos nito." Niyakap ko siya nang mas mahigpit.

Naalala ko ang mga ngiti niya. Ang ngiti niya na nagpapakaba at nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko ulit makita ‘yon. Gusto ko ulit makita ang dating palangiting Vaughn.

 “Vaughn I...I.,” ‘I love you’ Lumunok ako. “I'll always be here to make you happy." Idinikit ko yung pisngi ko sa may leeg niya.

 Hindi siya kumikibo, pero alam kong umiiyak na rin siya.

 Maya maya, inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit.

 "Thank you Penny,” bulong niya. Binitawan niya ang kamay ko. “…and im sorry," dugtong niya.

 Hindi ko alam kung bakit siya nagso-sorry sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Sana kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya. Sana kahit sa ganitong paraan lang, natulungan ko siya. May nagawa ako para sa kanya.

 

 Ngayon, may isang bagay ako na napatunayan.

 I love him.

Oo, mahal ko rin sina daddy at momma. Pero iba itong nararamdaman ko para kay Vaughn. Hindi ko maintindihan pero alam kong pagmamahal din ito. Ibang uri ng pagmamahal.

Mahal ko siya, to the point na nasasaktan ako ng sobra ngayong nakikita ko siyang nagkakaganyan.

Masyado pa siguro akong bata para masabi na mahal ko siya katulad ng pagmamahal ni momma kay daddy. Pero iyon lang ang alam kong makakapag-explain kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang nakikita siyang ganyan.

Sa sandaling oras, pakiramdam ko, lumaki kaming parehas. Parang nakita ko ang sarili ko at si Vaughn na nasa tamang edad na para sa ganong uri ng pagmamahal.

 
Nanatili lang kami sa ganoong ayos nang hindi ko alam kung gaanong katagal—tahimik na umiiyak. Ayoko na siyang bitiwan. Gusto ko, habang buhay na lang siyang nasa arms ko.

 I love Vaughn Laguesma. Gagawin ko ang lahat para sumaya siya ulit. Para makita ulit ang kanyang ngiti. Kahit sarili kong kaligayahan ang kapalit.

 Because he’s My Love.

to be continued...

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon