EPILOGUE
PENNY
"Yih! Kaoru! Wag ganyan! Ang pangit eh!" sabi ko sabay tanggal ng pagkakaipit niya sa akin.
Kanina pa kami nagtatalo sa ayos ng buhok ko. Gusto niyang itaas, gusto ko naman, nakalugay lang. Nag-reready na kami para sa party mamayang gabi. Nandito kami sa isang five star hotel kung saan gaganapin ang mahalagang event sa buhay ko at ng lalaking matagal ko nang minamahal.
Yup, debut ko na at ang pinakahihintay ng lahat na Engagement party namin ni Vaughn!"Kainis naman eh! Bakit kasi hindi ka pa pumayag na yung stylist na lang ang mag-ayos sa'yo!? Ayan tuloy, hirap na hirap tayo," nayayamot na sabi ni Kaoru habang tinatanggal yung ipit ko.
"Aray! Dahan dahan naman!" singhal ko. "Tch! Nakakatakot kaya siya! Baka anong gawin sa mukha at buhok ko. Ganyan pa ang accent. Mag-nonose bleed yata ako tuwing nagsasalita yon eh."
"Maarte ka lang kamo! Professional stylist yun no! Galing ba namang Paris kaya ganun ang accent. Ikaw naman, nag-inarte pa. Sinayang mo lang yung effort nina tita na humanap ng magaling na stylist."
Lumabi ako. "Birthday na birthday ko, inaaway mo ako. You're so meanie!"
"Tch! Kapikon ka kaya. Buhok mo na lang, pinoproblema pa natin," anas niya.
Napasimangot ako. Gusto ko lang naman ng bonding time kasama sila eh. Pasasalamat ko dahil malaki ang naging parte nila para maging ganito ako kasaya. Lalo na 'tong beshie ko. Mali ba yon?
"Oh, nakasimangot ka na naman. Para tuloy walang talab yang make up mo," pang aasar niya pa.
"Pssssh..." Hmf..ganyan 'to. Sinusungitan na naman ako.
Natahimik kaming pareho sandali.
Maya maya, pumunta siya sa harapan ko at niyakap ako.Gumanti rin ako ng yakap.
Nang kumalas siya, hinawakan niya ako sa pisngi. "You look so beautiful, besh. Kahit anong ayos mo, maganda ka naman eh."
Medyo naluha ako. Ang sweet talaga ng babaitang 'to! Kaya nga labs na labs ko eh.
"Oh, wag kang umiyak. It'll ruin your make up."Ngumiti ako. "Thank you Kaoru. The best ka talaga." Ako naman ang yumakap sa kanya ngayon.
Napabuntong hininga siya. "Hay~18 na ang bestfriend ko. Engaged ka na. Parang kailan lang, pareho tayong teenage hopeless romantic at parang nangangarap lang ng fairytale. Pero tignan mo ngayon, pareho na tayong may mga prinsipe."
Medyo natawa ako. "Oo nga no. Hanggang ngayon naman eh. Hopeless romantic pa rin tayo. Hindi na siguro magbabago yon."
Suminghot siya. "Basta Penoy, walang iwanan ha? Beshie tayo hanggang sa kumulubot ang balat natin. Ay hindi pala! Hanggang ibaon tayo sa lupa."
Tumango ako. "Swear yan. Kahit na ikaw pa ang pinaka-baliw na babae sa balat ng lupa.""Ouch! You’re hurting my feelings! Ang ganda ganda kong nag-speech tapos, babasagin mo lang!" Hinawakan niya pa ang dibdib niya at ngumiwi. "At hoy! Hoy! Nagsalita ang hindi!"
Sabay kaming tumawa. Hay, I really love moments like these.
Pareho kaming napalingon ni Kaoru nang may tumihim mula sa likuran namin.. "Nakaka-gulo ba ako?" tanong ni momma bago pumasok sa room.
"Hindi po tita. Tamang tama nga po ang dating nyo.""Oh, bakit ganyan ang buhok mo? Nagsabunutan ba kayo?" nagtatakang tanong ni momma.
"Hindi momma. Siya lang ang nanabunot sa akin," sumbong ko.
Napatingin sa akin si Kaoru at dinuro ako. "Hoy! Amalayer! Hindi kita sinabunutan ah! Maarte ka lang talaga."
Binelatan ko lang siya.Natatawang lumapit sa akin si momma habang may hawak na suklay. "Let me."
Habang inaayos ni momma ang buhok ko, masaya kaming nagkwentuhang tatlo. Inamin ko na sa kanya ang 'darkest secret' ko. Na gustong gustong ko na si Vaughn noong bata pa ako. Para namang hindi na siya nagulat doon. Kapag nanay ka raw kasi, mararamdaman mo na yon. Yun daw ang tinatawag na 'mother's instinct'. Kinabahan naman ako roon. Kapag pala may ginagawa akong kalokohan, nararamdaman niya rin!?
Pagkatapos ng ilang minute ng pag aayos sa buhok ko…"There. All done," nakangiting sabi ni momma.
Nang tignan ko ang sarili ko sa salamin...
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Novela Juvenil[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...