Fool
Special Chapter 6: Reality
Kaoru's POV
"Hindeeeee! Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi ko kakayanin!" Napahawak ako sa dibdib ko. "Ang sakit sakit! Bakit siya namatay?! Paano na ako?!"
Grabe, nagsisikip ang dibdib ko sa mga nangyayari! Kanina pa ako umiiyak dito sa kwarto ko. Hindi ko talaga matanggap eh! Bakit siya namatay? Bakit kailangan niya akong iwan? Bakit ang sama ng kapalaran? Mahal ko siya eh. Tapos papatayin nila?! Pakiramdam ko katapusan na ng mundo ko!
"Bakit? Bakit hindi pwedeng maging masaya? Bakit sa dinami-rami, ikaw pa ang kailangang mawala? Hindi ko matanggap. Masyadong masakit! Please! Please come back! I can't take it!"
"NATSUME! Bakit kailangang mamatay ka?! Higuchi! Higuchi! Bakit mo pinatay si Natsume my loves! Paano na kami, paano na ako?! Huhuh! Palagay mo ba natuwa ang mga fans mo, ngayong pinatay mo siya?! Ibalik mo siya! Buhayin mo ulit!" Para akong baliw na nagdedelihiryo rito sa harap ng laptop. Kanina ko pa hinahampas ang keyboard at screen.
Ang sama talaga ng loob ko eh! Akala ko pa naman, maayos na ang lahat nung ibigay ni Mikan yung Alice stones. Tapos nung basahin ko yung latest chapter, BOOM! Patay na talaga si Natsume! Hindi ko talaga kayang tanggapin yun!
*tok tok*
"Kaoru! Tigilan mo na nga yan! Para kang ginagahasa ng sampung kabayo diyan eh! BIlisan mo at may pasok ka pa!" Si Okaa-san pala.
Binuksan ko ang pinto at biglang yumakap kay Okaa-san. "Kaa-san! Wala na siya! Patay na! Wala na si Natsume! I'm doomed!" T.T
"O anong gusto mong gawin ko? Buhayin ko?" tanong niya.
Tumango ako. "Uhm-hmm. Gamitan niyo po ng ritwal niyo tuwing umaga. Yung may pataas taas pa ng paa," sumisigok na sabi ko.
Nakatanggap ako ng malakas na batok dahil doon.
"Aray ku po! Kaa-san naman eh! What was that for?!" sabi ko habang hinihimas yung batok ko.
"Baka! Pilates ang tawag doon! Hindi ritwal! Pampapayat yun! Effective naman diba?" hinimas niya pa yung belly niya.
"Er...ewan. Parang hindi naman." -____-
Sumimangot siya. "Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong mabatukan ulit," nanggigigil na sabi niya.
Kumaripas ako ng takbo papuntang kusina.
May something dark na lumalabas kay Okaa-san. Nakakatakot! Brrrr...
-----------------------------
Phew! Buti naman at hindi ako na-late! Maaga pa ako ng 20 minutes.
Kesa sa pumunta sa kendo club na karaniwang routine ko, napgdesisyunan kong dumiretso na lang ng classroom. Wala ako sa mood pumunta roon eh. Masakit pa rin kasi ang loob ko hanggang ngayon. Hindi pa ako maka-get over sa pagkamatay ni Natsume. T.T
Habang naglalakad papunta sa building namin, nakita ko si Alistair na naglalakad at nakapamulsa. Yes naman! Good timing naman ang my loves ko! Pampaganda ng mood oh.
Kinawayan ko siya. "Alistair!" sigaw ko.
Tumingin lang siya sa akin at tumuloy sa paglalakad niya.
Huh?
Bakit ganun? Parang may iba. Dati rati, kukunot ang noo niya at halatang iritado kapag tinatawag ko siya nang ganun. Ngayon, walang emosyon ang mukha niya.
Oh well, suplado pa rin naman siya. Iba lang ang "type" ng pagsusuplado niya ngayon.
Nilapitan ko siya. I wear my biggest smile. "Huy! Kumusta?" ^______^
Hindi siya sumagot at parang wala siyang narinig.
Pero syempre, hindi ako magpapatalo. Kahit ilang beses niya pa akong sungitan, gora pa rin ako! Sumumpong lang ang katarayan niya ngayon. ^0^
"Pssssht! Alistair? Pansinin mo na ako. Wag ka nang suplado," nag-pout ako.
Hindi pa rin siya sumasagot. Ano bang problema nito. Dati, kapag ginagawa ko ito, aasarin niya na ako nang aasarin o kaya naman sasabihan ng famous "panlait" lines niya sa akin.
"May problema ka ba?" hinawakan ko siya sa may braso.
Tinabig niya ang kamay ko. "When I said avoid me, I mean it," matigas na sabi niya.
Ano bang sinasabi niya? "Alistair...." Tinangka ko ulit siyang hawakan sa braso pero pinigilan niya at hinawakan ako nang mahigpit sa kamay.
"Stop being stubborn and leave me alone! Pagod na pagod na ako sa kakulitan mo. Kaya pwede ba, wag ka nang lalapit sa 'kin!" sigaw niya.
0________0
"S-sorry," nanginginig ang buo kong katawan. Ngayon ko lang siya nakitang magalit sa akin nang ganyan. There's fierce in his eyes. Natatakot ako na nasasaktan.
Padabog niyang binitiwan ang kamay ko at dali-daling naglakad palayo.
B-bakit? Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako.
Akala ko ba okay na kami? Akala ko ba nagkasundo na kami? Bakit niya ginawa yun? Nagsasawa na ba talaga siya sa kakulitan ko?
BINABASA MO ANG
My Crush, My Love, My Fiancé
Genç Kurgu[EDITED]"People come and go." Yan bagay na napatunayan ko sa murang edad pa lamang. Ako si Penny, labing pitong taong gulang-living a simple life. Vaughn Vincent Laguesma. That's the name that carved really deep inside, not only in my head but als...