(Fool) Special Chapter 8: Pork and Beef

29.1K 406 122
  • Dedicated kay All Kaoru and Alistair's fans.
                                    

Play nyo po yung music pag sinabi ko, kay? :)))

Fool

Special Chapter 8: Pork and Beef

Alistair's POV

Bumalik ako sa condo dahil mag-hahating gabi na rin. Sana naman umuwi na siya.

To my dismay, she's still there, wearing my t-shirt. Nakaupo sa harap ng pintuan ng condo ko. Ami's in her lap. Parang may malalim siyang iniisip.

Nang maramdaman ni Ami ang presensiya ko, sinalubong niya ako. Doon, napatingala rin si Mika. She smiled widely. "Welcome home Alistair."

"What are you doing here? Hindi ba sabi ko, umuwi ka na?"

"Hinihintay kita. Ipinagluto na kita ng hapunan. Baka hindi ka pa kumakain." Tumayo siya at hinawakan ako sa braso.

Tinabig ko ang kamay niya. "Don't touch me!" Nagulat siya sa ginawa ko at yumuko. "*sigh* Go home. Gabi na, baka hinahanap ka na sa inyo," I said coldly. Itinulak ko siya dahil nakaharang siya sa may pintuan.

Sinundan niya pa rin ako hanggang sa loob. "Kumain ka na ba? Ito oh, ipinagluto na kita. Masarap 'to! Dali! Try mo!"

Ano bang problema niya?! Bakit hindi niya pa ako lubayan?! "Don't act like you're my wife! Umuwi ka na sa inyo! Wag mo na akong guluhin!" I shouted.

"H-ha? Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang namang pagsilbihan ka. Isipin mo na lang, pasasalamat ko 'to sa pagliligtas mo sa akin kanina. Wag mo naman akong itaboy Alistair. Kahit ngayong gabi lang."

Kapag ginawa ko yun, masisira ang pader na itinayo ko sa gitna naming dalawa. Lahat ng pinaghirapan ko, masisira lang. Hindi niya ba alam kung gaano kasakit sa akin ang lahat ng sinabi ko sa kanya? Sa isang pagkakamali lang, pwedeng magbago ang lahat. Baka magpaka-selfish na lang ako at hindi na isipin ang kalagayan niya.

"No. Hindi ko kayang matagalan ka. Ni makita ka lang, hindi ko kaya. I....hate you. Ayoko sa'yo. Kaya pakiusap, umalis ka na." Tumalikod ako sa kanya at naglakad palayo.

"Why?!" sigaw niya. Napahinto ako sa paglalakad dahil doon. "Hindi ko maintindihan Alistair. Bakit galit na galit ka sa akin? Why do you hate me so much? What have I done wrong?" She's crying now.

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon