Chapter 9: The Tour

32.4K 323 10
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 9: The Tour


 
PENNY

 Sabay kaming pumasok ngayon ni Kaoru. Ang sabi kasi ni tita, i-tour ko raw siya sa school. Magkaklase nga kami eh.

 "Penny!" Sigaw pa lang kilala ko na. Si Natalie, who else?

Nang makalapit siya sa amin, napatingin siya kay Kaoru. “Sino siya? Pakilala mo naman ako oh.” 

"Natalie si Kaoru pala, pinsang buo ko. Dito na rin siya mag-aaral at kaklase natin siya," pakilala ko. Tapos kay Kaoru naman ako bumaling. "Kaoru siya pala si Natalie ang megaphone este kaibigan ko pala,” tumatawang sabi ko.

 Siniko ako ni Natalie. “Baliw ka!” 

Bunganga talaga ng babaeng ‘to. Paduduguin ko na nguso nito eh. -.-

 Lumapit si Natalie kay Kaoru.

 "Konichiwa (Hello)," matipid na bati ni Kaoru

 "Moshi! Moshi! Anone! Anone! Karaoke!" sagot naman ni Natalie.

 Napangiti naman doon si Kaoru. 

 Ako naman, binatukan ko siya. "Sira! Marunong magtagalog yan!"
 
“Ay!” Tumawa si Natalie. “Sorry! Nice to meet you!” Nakipag-handshake siya kay Kaoru.

 Ngumiti lang si Kaoru.

 "Penpen. Ang cute niya naman," bulong sa akin ni Natalie.

"Syempre naman! Kadugo ko eh,” buong pagmamalaking sabi ko.

 Dahil doon, nakatanggap ako ng malutong na sapok kay Natalie. 

"Ouch! Bakit mo ginawa yon!?" sabi ko at hinimas-himas  yung parte ng ulo ko na sinapok niya.

"Ang kapal mo eh! Ang sabi ko, siya lang ang cute. Hindi ikaw!"

 Nag pout ako. "Psh! Kahit kelan ang sama ng ugali mo!" Inisnaban ko pa siya.

Binelatan niya ako sabay irap. "Oh, anong balak mo ngayon?" pag-iiba niya ng usapan.

 
"Pinapatour siya sa akin ni tita dito sa school," sagot ko.

"O ano pang hinihintay natin!? Gora na!" masiglang sabi ni Natalie.

 Super energetic talaga nitong si Natalie. Akala mo laging nakainom ng cobra!

 "Uy! Ano pa bang hinihintay niyo riyan? Dali! Habang maaga pa! Baka nakakalimutan mong malaki itong school! Hindi kayang libutin ng isang araw lang!" sabi ni Natalie nang mapansin niyang hindi pa kami sumusunod ni Kaoru.

 "Tara?" baling ko kay Kaoru

 Tumango siya.
 

 "Saan ang first destination natin?" tanong ni Natalie.


"Hmmmmm..." Kunwari  akong nag-isip pero sa totoo lang gusto ko na pumunta sa high school department para  makita ko si Vaughn. Kaya lang kapag sinabi ko, aasarin lang ako nitong si Natalie. Nakakahiya naman kay Kaoru.


"Sa high school department tayo!" sigaw bigla ni Natalie. 


"Ano!?" sabi ko. Kunwari nagulat. Pero sa totoo natuwa talaga ako.

"Sus! Kunwari ka pa eh! Gustong gusto mo naman! Uy alam mo ba Kaoru, yang si P—hmmmmm!" tinakpan ko ang bibig ni Natalie bago niya pa isiwalat ang lahat. Ang daldal talaga nito! Ichichismis pa ako!

I laughed nervously. "Wag mo na lang pansinin ‘tong bruhang ‘to. Mahilig lang talaga siyang magbiro," sabi ko kay Kaoru.

 
Naguguluhan lang siyang nakatingin sa amin.

 Nagpumiglas si Natalie kaya binitawan ko siya. "Pwe! Ang pait ng kamay mo!" sigaw niya sa’kin.

 "Sino ba kasing may sabing lasahan mo!?" ganting sigaw ko. 

"Sino ba kasi nagpatikim sa’kin!?"

"Hmp! Tara na nga," sabi ko na lang. Nakakahiya na rito kay Kaoru. Nakikita niya na kaagad ang kabaliwan  namin.

"Uy! Excited!" biro ulit ni Natalie. 

"Baka gusto mong itong kamao ko na ang ipalamon ko sayo!?" banta ko.

"Nagjo joke lang ako! Brutal nito!"

 


“HAHAHAHAHA!”

 
Gulat kami ni Natalie na napatingin kay Kaoru. Tapos, nagkatinginan kami. Pareho kaming nakanganga. T-tumatawa na naman nang malakas si Kaoru.

Natigilan si Kaoru at napatingin sa amin ni Natalie. Namula ang pisngi niya."G-gomenasai," sabi niya sabay bow.

 "Ano raw?" bulong ni Natalie.

"Sorry daw," sagot ko naman.

"Marunong ka palang mag-alienese Penny!” tawa ni Natalie sabay hampas sa balikat ko.

“Tse!” Hinila ko siya sa braso. “Tara na nga.”

 

 

 
Pumunta kami ng high school department. Bawat madaanan namin, ine explain namin kay Kaoru.

Pero may kanina pa akong hinahanap na hanggang ngayon hindi ko pa rin makita.
Kanina pa nga nangangahaba ang leeg ko sa kakahanap eh. Nasan na kasi yon?

"Hoy! Penny! Bakit ba kanina ka pa nanganga-giraffe diyan?" tanong ni Natalie.

Kanina pa sila magka-usap ni Kaoru. Siya ang 'tourist guide' daw ng pinsan ko.

 "Wala! Wala!" sagot ko.

 "Hayun si Vaughn oh!" sigaw ni Natalie  sabay  turo sa likod ko.

Lingon naman ako. "Nasaan!?"

 
Napasimangot ako nang makita kong wala naman doon si Vaughn.


 "Edi bistado ka rin. Ayaw pa kasing umamin eh," tumatawang sabi ni Natalie. 

 Pinandilatan ko siya.
 
"Sinong Vaughn?" tanong ni Kaoru.

 
"Edi fafacles nitong si Penny!"

  
Nag-init ang pisngi ko. "Manahimik ka nga!"  bawal ko kay Natalie.

 Natawa ulit si Kaoru, pero mahina na lang ngayon.

 "Ang dami palang poging boylets dito," sabi ni Natalie. Nanlalaki pa ang mga mata niya.

"Psh! Ang lantong nito," bulong ko kay Kaoru.

Tumawa ulit si Kaoru.


Binatukan na naman ako ni Natalie. "Aray naman!" Teka? Nakakadalawa na to ah.
 

"Kung anu ano kasing sinasabi mo diyan kay Kaoru eh!"

 "Nye..nye..nye," pang-aasar ko. Tapos binelatan ko pa.

 Hinila ni Natalie si Kaoru. “Tara na nga Kaoru. Kunwari di natin kilala yang abnorms na yan.”
 

"Hoy! Bruha! Wag niyo akong iwan!" Susunod na sana ako sa kanila nang may mahagip ang mata ko.


Hayun siya, sa ilalim ng puno. Mukhang natutulog. Ang gwapo niya talaga! >////<

 Niyugyog pa ni Natalie yung balikat ko. "Hoy! Natulala ka diyan?"

Hindi ako umimik. Nakamasid pa rin ako sa natutulog na si Vaughn. Lumalakas na naman ang heart beat ko.

 "Aah, kaya pala," tumatango tangong sabi ni Natalie.

 Lumapit kami nang kaunti para mas makita naming siya nang maayos.

 
Itinuro ni Kaoru si Vaughn. "Siya ba si Vau—hmmmm!" Sabay naming tinakpan ni Natalie ang bibig ni Kaoru.

 "Sshhhh!"

 "Gomen," bulong ni Kaoru.
Nagmulat ng mata si Vaughn at napatingin sa aming tatlo.

Patay! Nagising! Napatingin ako kay Kaoru at Natalie. Mukhang nagulat din si Kaoru samantalang si Natalie, ang laki ng ngiti sa’kin.

to be continued...

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon