SPECIAL CHAPTER 3

564 26 20
                                    


Timeline: Chapter 43 to Chapter 44

Hendrix's POV

Mariin ang pagkakahawak ko sa manibela habang pinapanood ko si Sabrina at Kerwin na seryosong nag-uusap sa loob ng kotse.

They look so serious kaya hindi nila napansin ang presensya ko at ng kotseng sinasakyan ko sa tapat lang ng bahay ni Sabrina.

Gusto kong magselos lalo na nang makita ko kung paano hinalikan ni Kerwin si Sabrina sa noo pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis.

From that moment, gusto ko nang lapitan si Sab at tanungin kung ano ang pinag-usapan nila. I can see sadness and stress in her face and I'm worried as hell. What did Kerwin told her? But I can't do it, I can't approach her.

"F*ck!" Muli akong napahilamos sa mukha nang magpa-ulit-ulit sa utak ko ang boses ni Mr. V nang tawagan niya ako kanina.

"It's time, give her to me, if you fail, forget our deal and be ready to welcome death."

Napakuyom ako nang sobrang higpit at parang sasabog na ako sa galit.

I know I already agreed to this deal but I never thought this would happen so soon! Hindi pa ako handa!

Hindi ko alam kung naka-ilang mura na ako habang pilit nagtatalo ang kalooban ko.

This is it, I have to capture the Ortelius heiress, I have to capture Sabrina. Kailangan kong gawin 'to kung ayaw kong maunahan ako ni Benjamin Santos sa pagkuha sa kanya.

I won't let him lay a single finger on her, hindi niya puwedeng galawin si Sabrina.

Wala sa sariling kinapa ko ang syringe sa bulsa ko na naglalaman ng drugs na makakapagpatulog sa kung sino man ang matuturukan nito. Mr. V gave it to me, and I agreed since it's the most peaceful way I can abduct Sabrina without hurting her.

Akmang lalabas na ako ng kotse nang makitang pumasok naman si Sabrina ng bahay niya, doon ako muling nag-alangan.

Ilang minuto pa akong nakatulala lang sa loob ng kotse at nakatitig sa kawalan hanggang sa muli siyang lumabas at sumakay ng sasakyan niya.

I can tell that her mind is so preoccupied that she didn't even notice my car that is parked just in front of her house. In fact, she just drove past through me.

Napapabuntong hiningang binuksan ko nalang ang makina ng sasakyan at sinundan siya.

I witnessed everything, maging ang pakikipag-usap niya sa asawa ni Agustus at ang pagbibigay nito sa kanya ng isang bagay na mukhang photobook.

Di kalaunan ay binuklat niya ang loob nito at nang matapos ay agad din siyang sumakay muli sa kotse at pinaandar ito.

I followed her once again, afraid that Benjamin might show up any minute and take her. I would rather be hated and be considered as traitor than let her be in the captive of others. She'll suffer the worst within Benjamin's hands.

Labag man sa loob ko ay pinagpatuloy ko ang pagsunod sa kanya, hanggang sa itigil niya panandalian ang kotse sa gilid ng kalsada, I also stopped meters away from her.

Pagkatapos ay bigla nalang tumunog ang cellphone ko, at hindi ko alam ang dapat maramdaman nang makita ko ang pangalan niya sa caller's ID.

She's calling me...

"Sabrina," I whispered, pero hindi ko sinagot ang tawag.

God knows how much I want to answer her call, I want to hear her voice so bad, kating-kati na akong tanungin kung bakit tila malungkot siya magmula nang kausapin niya ang asawa ni Agustus. I want to see her, but if I do, baka magdalawang-isip ako at hindi ko na magawa pa ang dapat kong gawin.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon