Chapter 54 (Devouring Remorse)

605 34 2
                                    


Hera's POV

"Where are we going?" For the 5th time, tinanong ko si Dexter.

Kanina pa kami naglalakbay sa kalsada pero hindi man lang niya ako sinasagot kung saan kami pupunta.

Nanahimik nalang ako at muling sinilip ang cellphone ko. Ngayon ang unang araw ng pagkawala ko, yet, no one's calling me.

Alam na kaya ni Daddy na nawawala ako? How about Mom? Maayos na kaya ang kalagayan ni kuya Ben? Napuruhan kaya siya sa nangyaring pagsabog?

"I'm taking you to the new place you'll be staying at. You can't stay at my house for that long," bigla ay sabi ng lalaking nagmamaneho ngayon.

"Bakit, hindi naman ako magtatagal, ha? 3 days lang ang hinihingi mo 'diba? After three days ay babalik ako sa Hewsons, at doon ko isusuwalat ang lahat ng ginawa niyo sa'kin, maging ang pang-ahas ni Sabrina na pasabugin ang pinakamalaki naming base," sagot ko at ibinalin sa kabilang parte ang tingin.

He released a fake laugh, "you really do care for them don't you? I hope they feel the same way towards you."

Nainsulto naman ako sa sinabi niya kaya muli ko siyang hinarap.

"May pakielam sila, Dexter. Just watch, hahanapin din nila ako at ibabalik sa mansion. They love me, hindi naman nila ako aampunin kung hindi," rebut ko.

Marahan lang siyang natawa. "Then, why aren't they searching for you up 'til now? You've been missing for more than 24 hours already yet there's no single message nor call from them."

"They're just—" Natigilan naman ako nang kusang ang kalooban ko na ang naglalaban sa kung ano nga ba ang dapat na isagot. "—busy."

"They're just busy, malamang ay inaasikaso pa nila ngayon ang nangyaring pagsabog at iniimbistigahan 'to, at kapag nag-imbestiga sila ay doon din nila ako matutunton."

Nagkibit balikat nalang siya at napangisi sa naging sagot ko.

Hindi ko na siya kinausap pa after that. Itinuon ko nalang ang paningin sa labas. Hanggang sa magtaka na ako nang naging pamilyar na ang daan na tinatahak namin.

Halos mapamura pa ako nang isang daang beses nang ihinto ni Dexter ang sasakyan sa bahay ng mga Blanco.

"What are we doing here?!" inis kong baling sa kanya na ngayo'y nagtatanggal na ng seatbelt.

"Like what I've said," Lumapit siya sa'kin at siya na ang nagtanggal ng seatbelt ko habang ang tingin ko naman ay nanatiling masama sa kanya. "This place is where you'll be staying at for a couple of days."

Binuksan na niya ang pinto niya at lumabas, alam din niyang wala akong balak lumabas kung kaya't siya na ang umikot at nagbukas ng pinto ko para sa'kin.

"Let's go—"

"No, I won't enter that house." Kumapit ako nang mahigpit sa upuan ko at umiling.

"Hera, stop it and get out of the car."

"I said no! Ayoko siya makita, at mas lalong ayaw niya ako makita."

"But he already knew about this. He's waiting for us inside."

"Ayoko, Dexter!"

Sinubukan kong abutin ang car door at isasara na sana 'to nang pigilan niya ako at hinablot ang palapulsuhan ko para hilahin ako patayo, and he succeeded.

"Ano ba!"

He glared at me. "Stop acting like a damn princess, you can't order me around. You need to go inside!" naiinis niyang sabi at sinubukan akong hilahin.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon