Chapter 44 (Betrayal)

589 36 28
                                    


Sabrina's POV

Nagising ako nang makaramdam ng malamig na tubig na umaagos mula sa mukha ko pababa sa katawan ko.

Damn it! It's so cold!

Ubod ng sama ko namang tinignan ang lalaking nagbuhos ng malamig na tubig sa akin, at nang tignan ko siya ay nginisian niya lang ako.

Napaka-pangit ng itsura niya at halatang kriminal.

"Sawakas at nagising na ang prinsesa, ilang oras ka nang natutulog diyan," may pang-uuyam niyang saad pero hindi ko nalang siya pinansin dahil nakaramdam ako ng matinding pagkahilo kaya napapikit nalang akong muli.

Ngayon ko lang din napansin na nakatali pala ako nang sobrang higpit sa isang wooden chair na kinauupuan ko. Nakagapos ang dalawang kamay sa likod at ganoon din ang dalawang paa ko. It hurts!

Nagulat naman ako nang may isang kamay ang marahas na humawak sa mukha ko at pinatingala ako sa kanya kaya naman napadilat na naman ako.

"Ginising nga kita 'diba, tapos matutulog ka ulit?!" nabubwisit na sabi ng lalaking nagbuhos sa akin ng malamig na tubig.

Siraulo 'to ah. Kapag ako nakawala dito, ikaw ang una kong aatakihin makita mo.

Hindi ko siya sinagot at sinamaan lang siya ng tingin habang nanggagalaiti sa galit akong napapakuyom.

Naalala ko na, naalala ko na kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Alalang-alala ko rin kung sino ang nagdala sa akin dito.

Nakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko nang maalala ko siya at kung ano ang ginawa niya sa akin.

"Anong tinitingin-tingin mo? Matapang ka pa ah?!" Akmang sasampalin na sana ako ng walanghiyang lalaki na 'to nang matigilan siya dahil may biglang nagsalita sa isang gilid.

Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon at natigilan nalang ako sa nakita.

He's here.

My heart sunk, lalo na nang ibalin niya sa akin ang tingin at wala akong mabakas na kahit anong emosyon mula dito. Nakasandal lang siya sa malalaking boxes sa gilid ng kwarto na 'to at naka-halukipkip.

"Stop it," utos niya sa malamig na boses.

Umiwas naman agad ako ng tingin dahil hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang tignan.

He did this to me, he f*cking did!

F*ck you from the bottom of my heart Hendrix!

Huminga ako nang malalim nang maramdaman ang paninikip lalo ng dibdib ko. Masyadong masakit, nararamdaman ko na agad ang mga mata kong nagbabalak umiyak.

Wala na nga ring nagawa ang lalaking nakahawak sa akin at sumusukong binitawan nalang ako, pero marahas ito kaya napapikit ako sa sakit.

"Tell others to assemble, paparating na ang king," walang emosyong utos na naman ni Drix kaya hindi ko napigilang matawa.

Seriously? Parte na din siya ng trinity? At ng mafia pa ni Mr. V?

Wow...

Napatango ang lalaki at tsaka ito lumabas ng kwarto para siguro sundin ang inuutos ni Drix.

Ngayon ay kaming dalawa nalang ang natira dito.

I clenched my teeth, it's suffocating, nakaka-suffocate ang makasama siya sa iisang kwarto.

This is hell.

Hindi ako umimik kahit na nakarinig ako ng footsteps na papalapit ngayon sa kinaroroonan ko. Sumeryoso ako at hinanda ang sarili ko na harapin siya.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon