SPECIAL CHAPTER 1

666 34 45
                                    

A/N:  Hello again! So tulad ng sabi ko, may mga special chapters ang Decipher Squad, so ito na 'yong first hehe.

Timeline: Between Chapter 46 and 47



Axel's POV

"Oy, sigurado ba kayong hindi tayo mapapahamak dito kapag nalaman nila?" Kinakabahang tanong ni Niel habang pilit inaayos ang pagkakalagay ng fake mustache niya—paano takot na takot siyang mahuli ni Stapph. Tss, duwag.

Nandito kaming tatlo ngayon nina Niel at Drix sa bar na kinaroroonan ng mga girls ng DS at SS—kasama ang pa-girl na si Barnie.

Langhiyang Barnie din kasi na 'to, sa lahat ng pwedeng gawin niyang hang out place ng mga babae ay talagang bar pa ang napili niya! Kaya ngayon ay nagtatago kami sa isang tabi habang palihim na binabantayan at sinusulyapan ang table nila Barnie sa kabilang bahagi ng bar.

Nagsisimula na silang mag-inumang lahat at mukhang may pinag-uusapan silang nakakatawa. Nacu-curious tuloy ako sa kung ano ang pinag-uusapan nila, pero hindi kami pwedeng magpakita sa kanila.

Kasi nga daw diba, exclusive for girls lang daw ang bonding na 'to. Pero ang paranoid na si Hendrix, hindi kampante na hayaang mag-bar si Sabrina nang walang nagbabantay sa kanya.

Takot na takot din ang isang 'yan eh. Takot na may pumormang iba kay Sabrina at tuluyan na siyang makalimutan. Mukhang umepekto 'yong ginawang pang-aasar nila Barnie at Jieun sa kanya kanina na pagagandahin daw nila kuno si Sab para makahatak ng mga lalaki. HAHAHAHAHA, napakilos tuloy ang g*go.

Mga abnoy 'tong mga kasama ko sa totoo lang. Para nga silang mga tanga na pilit nagtatago sa mga suot nila pero titig na titig naman sa mga babae nila.

Haay nako, buti pa ako walang babae. Sinamahan ko lang naman sila dito dahil gusto nila na sama-sama kaming mapapahamak. 'Di ba, mga siraulo talaga ampota.

Isa pa 'tong fake mustache at fake balbas na suot ko! Napaka-panget tignan! Ang gwapo-gwapo ko pero pinilit nila akong magsuot ng ganito! Para daw hindi ako makilala ng mga girls. Best disguise daw 'to.

Haay nako, huwag na kayong magtaka, idea ni Hendrix 'yan. Gumana na daw 'yan dati kay Sab kaya proven and tested na daw.

"Bakit ba kasi nagpumilit pa kayong isama ako dito? Naiirita lang ako sa mga kaartehan niyo eh. Babantayan niyo sila Stapph at Sab pero di niyo naman malapit-lapitan." Reklamo ko.

At dahil doon ay sinamaan nila ako ng tingin.

"Oh bakit ikaw? Kaya mo bang lapitan si Arianne?" Pagbabalik saakin ng tanong ni Niel.

Natawa naman ako. "Aba, bakit nasali siya dito?"

"Tss, what would you expect from Axel? Aminin ngang gusto niya si Arianne ay hindi niya magawa, paglapit pa kaya?" Napapangising sabi din ni Drix kaya sinimangutan ko siya.

"Eh ikaw? Umamin ka nga, wala ka namang napala!" Pagbabalik ko ng asar,  nakita ko ang pagtaas ng kilay niya dahil doon.

Hahaha! Kala mo ah.

"Magsitigil na nga kayo, ang iingay niyo." Sita ni Niel saamin habang pasimpleng sumusulyap sa girlfriend niya.

Napatingin tuloy kami ni Drix sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Iritable ka Niel? Porket di mo mabakuran si Stapph ngayon sa mga lalaking kanina pa tumitingin sa kanya?" Natatawa kong pang-asar. Bored niya lang akong tinignan.

"Hoy Ventura, huwag mo nga akong idamay sa pang-aasar mo. Saating tatlo, ako ang may pinaka-maayos na love life. Igaya niyo pa ako sainyo, isang torpe at isang rejected. Tss." Sagot niya nang may mapang-insultong tingin.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon