Chapter 31 (Unfolding Emotions)

563 42 17
                                    


Barnie's POV

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na-estatwa doon.

Nabalik lang ako sa wisyo nang hilahin nila palayo si Dad saamin at kinuwelyuhan siyang muli.

"Dalhin mo kami sa lugar kung saan mo tinatago ang kailangan namin!"

Mabilis nilang kinaladkad si Dad palabas at sumunod naman ang isa sa kanila.

Nagmakaawa pa kami lalo na huwag nilang kunin si Dad pero parang wala silang naririnig.

Bago sila tuluyang makalabas ay may huli pang sinabi ang lalaking naka maskara na mas lalong nakapagpakilabot saakin.

"Kayo na ang bahala sa kanila."

"HINDI!" Sigaw ni Mom at sinubukan niyang tumayo.

Pero nagulat kami nang paputukan ng isa sakanila si Mom sa dibdib nang dalawang beses.

"MOM NO!" Sabay-sabay naming sigaw. Nagpumiglas ako sa pagkakagapos at sinubukan kong tumayo para puntahan si Mommy.

Pero bago pa ako makatayo ay sinipa akong muli ng lalaki.

Namilipit ako sa sakit. Parang isa-isang nasisira ang bawat parte ng katawan ko. Namamanhid na din ang iba sakanila.

"Mom! Kuya! Stop this please!" Sigaw ng kapatid kong babae.

Napapikit nalang ako habang walang tigil sa pagtulo ng mga luha ko.

Muling ikinasa ng lalaki ang baril niya ngunit sa pagkakataong ito ay itinutok niya ito sa ulo ko.

Nanginginig na ako sa takot, pero mas takot ako sa mga pwede nilang gawin sa mga kapatid at magulang ko.

K-katapusan ko na ba?

Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa mga kapatid ko na ngayo'y hinang hina na habang pilit na ginigising ang walang malay naming ina.

Nginitian ko nalang sila para kahit papaano ay makita nilang okay lang ako.

Okay lang ako...

Nang akala kong ipuputok na ng lalaki ang baril ay hindi niya ginawa.

Napatingala ako sakanya at nakitang may kausap na siya ngayon sa phone.

Gusto kong matawa pero hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman.

Magpapasalamat ba ako sa kausap niya sa phone dahil napatagal ang pagpatay saakin o mas kakabahan dahil mas hahaba ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Yes princess, matatapos na ang trabaho namin."

Hindi ko talaga balak makinig sa pakikipagusap niya sa phone pero nakuha nito ang atensyon ko nang marinig ko ang pagtawag niya ng 'princess' sa kausap niya.

"Hindi pa rin po binibigay ng congressman ang lahat ng ebidensya laban saatin---pilit pa rin po siyang pinapaamin."

Nanatili lang akong nakatingin sakanilang dalawa at nakikirmadam sa mga sunod nilang gagawin.

Sinubukan ko na ding makatakas at makawala sa pagkakatali saakin pero hindi ko talaga magawa dahil sa sobrang higpit. Namamanhid na ang mga kamay ko.

"Opo nandito po sila...." Nagtaka ako nang dumapo ang tingin ng lalaking iyon saamin. Kami ba ang tinutukoy niya? "P-po? S-spare them? Pero princess, ang utos po ng king ay patayin---m-ma-susunod p-po princess. S-sorry po."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

S-spare them? They mean, us? Iligtas kami?!

Sumilay ang isang munting pag-asa saakin.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon