Chapter 37 (Mission One)

791 48 56
                                    


Hendrix's POV

"Kailan mo pa nalaman na nag-iimbestiga ako sa Ortelius?" seryoso kong tanong kay Agustus habang nakatingin sa kawalan.

Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa sofa ng firing lounge dalawa habang ang iba naman ay nasa firing range na napapanood din namin dito ni Agustus mula sa loob ng firing lounge.

Nagsalin siya ng alak sa dalawang baso na hinanda niya at tsaka nagsalita. "Hindi mo pa man tuluyang nabubuo sa isipan mo ang ideya ng paghihiganti at pag-iimbestiga sa Ortelius ay alam ko nang gagawin mo ito one day, at tama ako hindi ba?" sagot niya sabay inom ng alak.

Inalok niya sa akin ang isa pang baso kaya tinanggap ko naman ito.

"When exactly?"

I'm too curious. Pakiramdam ko ay hindi ko pa talaga tuluyang nakikilala si Agustus.

Ngumiti naman siya at tumingin sa akin. "Simula nang iligtas ko kayo ng mommy mo noong gabing mapahamak kayo sa kamay ng Ortelius."

Natigilan ako at pakiramdam ko ay bumalik na naman ang lahat ng ala-ala ko noong gabing iyon. Napadiin ang hawak ko sa baso.

"Naaalala mo ba Hendrix noong sinubukan kong dalhin kayo ng mommy mo sa ospital? Sinubukan kong salbahin kayo pareho. Bugbog at maraming sugat at pasa ang natamo ng mommy mo. Nang madala ko kayo sa ospital, nababasa ko na agad sa mga mata mo ang matinding galit at pagsumpong ng hustisya na inaasam mo. From that moment, alam kong kikilos at kikilos ka laban sa Ortelius."

Matalim ko siyang tinignan dahil sa narinig. "Alam mo na pala noon pa ang tungkol sa Ortelius. Bakit ngayon mo lang sinasabi ang lahat ng ito?"

Ngumiti naman siya at tsaka sumagot. "Masyado ka pang bata noon Hendrix. Ilan taon ka ba nang mangyari 'yon? 10? 11? Gustuhin ko mang sabihin ang lahat ng nalalaman ko, pero hindi pwede. Kailangang hintayin ko muna ang tamang panahon at pagkakataon para sabihin saiyo, at ngayon na 'yon."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Napabuntong hininga nalang ako at muling sumimsim sa baso na hawak ko.

"Kaya pala sumunod-sunod ka na sa akin matapos mangyari ang bagay na iyon. Gusto mo lang pala akong obserbahan at gamitin sa pag-iimbestiga niyo," pagrereklamo ko na ikinatawa niya.

This d*mn old man, tsk.

Noong gabing niligtas kami ni Agustus ay ang unang beses din na nakilala ko siya.

"Well, partly ay ayon nga ang intensyon ko," natatawa niyang sagot kaya sinimangutan ko siya.

"Masyado kang honest," naiiling kong sabi at napailing.

"Tama ka, masyado akong honest, pero ikaw, hindi."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nang mapansin naman niyang nagtataka ako ay napangisi na lang siya at may itinuro siya sa labas—kung nasaan ang firing range. Nang sundan ko ng tingin ang tinuro niya ay biglang sumama ang tingin ko.

Natawa na siya agad dahil sa naging reaksyon ko.

"Naaalala ko si Chanlei, sila ni Dexter 'yong pumunta dito sa Ent hub dati para may imbestigahang kaso. Dito din sila unang nagkakilala ni Sabrina mo nang araw na iyon. That day, halatang type na agad niya si Sabrina. I didn't know na ganyan na sila ka-close ngayon." Mababakas sa boses niya ang pang-aasar na talaga namang hindi nakakatuwa.

Inalis ko nalang ang tingin kina Sabrina at Chanlei na magkatabi at magkausap at muki nalang ibinalik kay Agustus ang tingin. Bigla akong nainis.

Pero sandali, "What did you say? Sabrina ko?" tanong ko. "Don't be silly, she's not mine." Irita kong sagot at ibinalik ang tingin kay Sabrina at Chanlei na ngayo'y seryosong nag-uusap pa rin.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon