DECIPHER SQUAD

2.3K 92 12
                                    



Bahagyang napapikit ako nang umalingasaw sa paligid ang sabay-sabay na pagbusina ng mga sasakyan dito sa kalsada na kinaroroonan ko ngayon.

Traffic, ano pa nga bang bago?

Napailing nalang ako at ibinalik ang tingin sa labas habang inaantay na umusad ang napakabagal na traffic.

I sighed, malalanta na ang bulaklak na dala-dala ko dahil sa sobrang init, pero hindi pa ako nakakapunta sa pupuntahan ko.

"Heiress, mukhang matatagalan pa ang pagluwag ng daloy ng trapiko, may nangyari atang aksidente eh, tignan mo oh, maraming taong nagkukumpulan sa banda roon." Sabay turo ng driver ko sa di kalayuan kung saan nakapalibot nga ang mga tao at mukhang may tinitignan.

Kumunot naman ang noo ko at tinitigan din ang kumpulan ng mga tao. Nakaharang sila sa daanan, kaya naman pala traffic.

Napailing nalang ako at walang alinlangang bumaba. Sinabi ko sa driver na bumalik na siya sa bahay at magpapasundo nalang ako kay Hendrix dahil motor naman ang dala niya, mas iwas traffic.

Lumapit ako sa kumpulan ng mga tao at bahagya pa akong nagulat nang makita ang tinitignan nila.

May isang babae, wala nang malay—mali, mukha na siyang walang buhay, duguan siyang nakahiga sa gilid ng kalsada.

Madaming dugo ang nawala s akanya dahil na rin siguro sa pagkakabagsak niya mula sa limang palapag na apartment sa gilid namin.

"Nako, suicide 'yan malamang. Mga tao talaga ngayon, nakakalungkot lang," rinig kong bulong ng isang nakiki-usyoso.

Kumunot naman ang noo ko at napatingala sa rooftop.

Open rooftop ang itaas na 'yon at may mga nakasampay pang mga damit akong nakikita. Mukhang sa rooftop na 'yon nagsasampay at naglalaba ang mga taong nakatira sa apartment.

Muli kong binalik ang tingin sa babaeng nahulog at pinagmasdan siya nang maigi.

Suicide daw? Kung tumalon nga siya, bakit siya pahiga nahulog sa sahig at hindi padapa? Usually ay padapa nahuhulog ang mga nagpapakamatay dahil paharap silang tumatalon sa building, but not always.

Pinagmasdan ko pa nang maigi ang katawan ng babae, at may nahagip ang mga mata ko na mga bagay o clues na magpapatunay na hindi suicide o aksidente ang nangyari.

Napangisi ako at nilibot ang tingin sa paligid at sa mga taong nandito ngayon.

Mas lumawak ang pagkakangisi ko nang matuon ang tingin ko sa isang tao na tahimik lang na naka-masid din sa babaeng nahulog. 

Akalain mo nga naman, nandito pa ang killer.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan sila. Group call ang ginawa kong tawag dahil marami ang tatawagan ko. Maya-maya pa ay sinagot din nila ito.

"Sabrina, napatawag ka? Alam mo bang kagigising ko lang?"  boses ni Hera at mukhang inaantok pa.

"Miss mo na 'ko Sab? Napatawag ka?" Ngayon naman ay boses ni Axel at talagang naririnig ko pa ang pagnguya niya, kumakain pa ang loko.

Nang ang lahat ay sumagot na sa tawag ay doon ko sinabi ang pakay ko.

"Samson road, malapit sa Verdera street. May babaeng natagpuang wala nang buhay at nahulog siya mula sa rooftop ng isang five story building," I said, saglit na nagkaroon ng katahimikan mula sa mga linya nila.

"Then, why are telling this to us, Sabrina? Mukha ba kaming mga pulis o ambulansya?" tanong ni Niel pero napailing lang ako at muling napangisi.

"It's a murder case, my beloved leader. I need you guys to help me solve this case. Tatawag na din ako ng pulis after this call para maasikaso nila ang katawan ng victim. But for now, we need to collect the clues and catch the murderer. That's why I need my team—my squad," Panandalian pa akong tumigil sa pagsasalita nang marinig ko ang mga pagngisi nila.

'Di naglaon ay tinuloy ko na din ang sinasabi ko.

"I need my Decipher Squad."



Date created: April 2017

Date published: May 15, 2019

Date finished: September 7, 2020

Thank you and to God be all the glory!

Thank you and to God be all the glory!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Official Trailer:

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon