SPECIAL CHAPTER 2

616 31 19
                                    


A/N: Happy 10k reads! 🎉 As promised, here's another special chapter for you all. Love lots.

Sabrina's POV

Bahagyang napapikit ako nang umalingasaw sa paligid ang sabay-sabay na pagbusina ng mga sasakyan dito sa kalsada na kinaroroonan ko ngayon.

Traffic... Ano pa nga bang bago?

Napailing nalang ako at ibinalik ang tingin sa labas habang inaantay na umusad ang napakabagal na traffic.

I sighed, malalanta na ang bulaklak na dala-dala ko dahil sa sobrang init, and hindi pa ako nakakapunta sa pupuntahan ko!

"Heiress, mukhang matatagalan pa ang pagluwag ng daloy ng trapiko, may nangyari atang aksidente eh, tignan mo oh, andaming tao na nagkukumpulan doon sa banda doon." Sabay turo ng driver ko sa di kalayuan kung saan nakapalibot nga ang mga tao at mukhang may tinitignan.

Kumunot naman ang noo ko at tinitigan din ang kumpulan ng mga tao doon.

Nakaharang sila sa daanan, kaya naman pala traffic eh.

Napailing nalang ako at walang alinlangang bumaba. Sinabi ko nalang sa driver ko na bumalik na siya sa bahay at magpapasundo nalang ako kay Hendrix dahil motor naman ang dala niya, mas iwas traffic.

Lumapit ako doon sa kumpulan ng mga tao at bahagya pa akong nagulat nang makita ang tinitignan nila.

May isang babae... wala nang malay—mali, mukha na nga siyang walang buhay, at duguan siyang nakahiga sa gilid ng kalsada.

Madaming dugo ang nawala sa kanya dahil na rin siguro sa pagkakabagsak niya mula sa limang palapag na apartment sa gilid namin.

Narinig ko naman ang usap-usapan ng iba.

"Nako, suicide 'yan malamang. Mga tao talaga ngayon, nakakalungkot lang," rinig kong bulong ng isa.

Kumunot naman ang noo ko at napatingala sa rooftop na sinasabi noong isang babae na nakiki-usyoso.

Open rooftop ang itaas na 'yon at may mga nakasampay pa na mga damit akong nakikita. Mukhang sa rooftop na 'yon nagsasampay at naglalaba ang mga taong nakatira sa apartment na 'yon.

Muli kong binalik ang tingin sa babaeng nahulog at pinagmasdan siya nang maigi.

Suicide daw? Kung tumalon nga siya, bakit siya pahiga nahulog sa sahig at hindi padapa? Usually diba ay padapa nahuhulog ang mga nagpapakamatay dahil paharap silang tumatalon sa building?

Pinagmasdan ko pa nang maigi ang katawan ng babae, at may nahagip ang mga mata ko na mga bagay o clues na magpapatunay na hindi suicide o aksidente ang nangyari.

Napangisi naman ako at inilibot ang tingin sa paligid at sa mga taong nandito ngayon.

At mas lumawak ang pagkakangisi ko nang matuon ang tingin ko sa isang tao na tahimik lang na nakamasid din sa babaeng nahulog. Akalain mo nga naman...

Nandito pa ang killer....

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan sila.

Agad din namang sinagot ng Decipher Squad ang tawag ko kaya sinabi ko na ang pakay ko. I know that any moment ay parating na sila dito.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa taong tinititigan ko kanina ngunit wala na siya sa kaninang puwesto niya kanina kung saan ko siya nakita.

Mabilis kong inilibot ang tingin sa paligid, trying to find her.

Gusto ko pa sanang mainis dahil ang akala ko ay makakatakas siya pero nahagip ng mga paningin ko ang bulto ng eksaktong taong iyon at ngayo'y nakatalikod na siya sa akin at balisang naglalakad-takbo patungo sa kung saan.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon