Chapter 3 (Wanted: Members)

1.1K 58 11
                                    


Farrah's POV

"Bubuo kami ng pangalawang Special Section and sigurado na kami doon," walang pag-aalinlangang sabi ni Stapph.

Walang nag-react sa amin. Sa isip-isip ko nama'y gusto kong matawa, kaya lang baka sitahin ako ni Jaxx. You know how strict he is.

Namayagi pa rin ang katahimikan dahil alam kong ang iba ay nag-iingat rin sa mga sasabihin nila. Alam namin na ang mga taong kaharap namin ngayon ay walang kaalam-alam sa mga pinapasok nila.

I looked at Jaxx and saw him also looking at me, he's already warning me not to say anything. I just sighed.

Masyadong malakas ang loob ng babaeng ito. Hindi niya muna pinagi-isipan nang maayos ang bawat desisyon niya. To be honest, hindi ko nga in-expect na talagang gagawin niya ang hamon namin sa kanya. She's that stubborn? Perhaps, too confident?

"Are you sure?" basag ni Arianne sa katahimikan.

"Yes," pagmamatigas pa rin ni Stapph.

"How about you?" pagtatanong ko naman sa boyfriend niya, bahagya pa siyang nagulat.

"What about me?" inosenteng tanong niya rin.

I smirked, "Sigurado ka ba sa desisyong 'to?"

Marahan naman siyang napakamot sa batok niya at tumango. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa. Akala ko'y nakitaan na kita ng potensyal Niel pero may kulang pa pala. Hindi ko inaasahang papayag ka sa isang bagay na iba ang nagdesisyon para sa'yo.

Napa-ngisi ako sa naisip ko, unless?

Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa at pati ang kinang ng mga mata niya ay binasa ko. Nagkatitigan kami at alam kong binabasa rin niya ang nasa isip ko.

I'm getting the idea that he's genuinely interested to join the special section. Kaya ba siya pumayag sa desisyon ni Stapph?

"Sabihin niyo lang sa amin kung ano ang dapat naming gawin para mapabilang sa Special Section."

"Nagdesisyon ka ng ganyan nang hindi mo man lang alam kung ano ang papasukin mo?" Everyone gazed upon Chanlei when he seriously said those.

"B-Bakit?"

"Ito ang tatandaan mo, Stapph, hindi lang kami naglalaro dito, kaya kung wala kang matinding rason para sumali, then you better not do it."

Napa-ngisi ako sa linya ni Chanlei, nanakot pa ang loko. Binigyan siya ng makabuluhang tingin ni Jaxx kaya naman nakuha ni Chanlei ang tingin na 'yon at hindi na nagsalita pa. Ganito talaga kami mag-usap, tinginan pa lang ay kuha na namin ang punto ng bawat isa. Being an SS member trained us with that skill.

"So tell me, Stapphennie. Sino-sino kayo sa grupo niyo?" pag-iiba ni Jieun sa usapan.

Napakamot naman sa ulo niya si Stapph, "k-kami pa lang ni Niel," nakayukong sagot niya.

Hindi na napigilan ni J.E ang matawa kaya naman isang masamang tingin ang nakuha niya mula kay Jaxx. Lalong sumama ang tingin ni Stapph at alam kong na-offend siya sa iniasta ni J.E.

Nasa ganoon naman kaming sitwasyon nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwal nito ang pagmumukha ng head namin na si Mr. Ocampo. Hindi na siya nagulat nang makitang may bagong mukha sa kwartong ito at nagdere-deretso siya sa gitna. May hawak siyang folder at tingin ko'y biglang kuminang ang mga mata ko.

Bakas ang pagka-excite sa mga mukha naming ngayon. That folder, is that our new case?

"Good morning, class. Uhm, nakaka-abala ba ko?" nakangiti nitong tanong.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon