Sabrina's POVIt's still here...
The image of Agustus' blissful smiles are still here in my mind.
Hinding-hindi ko malilimutan ang saya, pagka-excite at tuwa sa mga labi at mata niya nang malaman niyang nakuha namin ang emblem, nang malaman niyang nagtagumpay kami sa misyon namin. He looks so proud of us.
But the truth is, we failed. We f*cking failed!
Ang emblem na nakuha namin ay peke. At ang emblem na nakuha namin ay ang naging dahilan ng pagkamatay niya.
I-It still hurts. Sa tuwing maaalala kong wala na siya ay parang naninikip ang dibdib ko sa sobrang lungkot.
Please someone tell me that this is all just a dream. I-I can't believe it, and I just can't accept it.
Napapikit na naman ako nang mariin nang maramdaman ang muling pagtulo ng luha sa mata ko.
I'm sad—actually, we all are.
Nilibot ko ang tingin sa iba pang kasama ko ngayon dito sa waiting area ng hospital na pinagdalhan namin kay J.E at Arianne.
They're still unconscious, lalo na si J.E. Malala ang natamo niyang mga sugat to the point na kailangan siyang operahan.
The same goes with Jaxx and Niel. Binigyan din sila ng medical attention dahil sa mga sugat at galos na natamo nila nang matamaan sila ng pana sa katawan.
At ngayon, halos mabingi ako sa katahimikan sa pagitan naming lahat.
Walang miski isang nagsasalita o gumagawa ng kahit anong ingay.
At halos lahat kami ay tulala at malalim ang iniisip, bakas din sa mga mata naming lahat ang labis na lungkot at pagdadalamhati sa sinapit ni Agustus.
Nalipat naman ang tingin naming lahat sa limang taong tumatakbo ngayon papalapit sa amin.
Ang team B, sina Stapph, Axel, Dexter, Chanlei at Mr. Ocampo.
Nang makalapit sila sa amin ay agad sinalubong ng yakap ni Stapph si Niel.
"Kamusta sina J.E at Arianne?" nag-aalalang tanong ni Axel kay Jaxx.
Marahan namang napa-iling si Jaxx bilang sagot kaya mas nadagdagan ang pag-aalala sa mukha ni Axel.
Napalingon naman ako ngayon kay Mr. Ocampo nang dahan-dahan niyang nilapitan si Mr. Si. Mababakas ang labis na kaba sa kanya at mukhang nakatunog na siya sa nangyari nang makita niyang kulang kami ng isa ngayon.
Ubod ng seryoso niyang tinanong si Mr. Si, "N-nasaan si Alexus?"
Bigla naman kaming natahimik lahat, lahat ay nakikiramdam sa dalawang heads.
At parang bigla namang gumuho ang mundo ni Mr. Ocampo nang dahan-dahan lang na umiling si Mr. Si kasabay ng pagkawala ng isang luha mula sa mata niya.
Mariin na napakuyom si Mr. Ocampo at malakas na nahampas niya ang pader dahil sa nalaman. Kitang kita mo ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
"N-No, that's not true... I don't wanna believe it. H-He's Alexus! The great and mighty leader of Private Ds! H-How can he die?!" puno ng hinanakit na sigaw ni Mr. Ocampo habang hindi mapakali sa kinatatayuan niya.
Mas lalo naman akong nakaramdam ng lungkot nang makita ang pagpipigil nilang dalawa ni Mr. Si ngayon ng emosyon. They're crying.
This is so hurtful, I can't bare to watch the both of them mourn for their dear friend.
Nilipat ko nalang ang tingin sa katabi kong si Drix na kanina pa walang imik. Hindi siya umiiyak, tanging seryoso lang siyang nakatulala sa kawalan at mukhang blanko ang iniisip.
BINABASA MO ANG
Decipher Squad
Mystery / ThrillerSabrina, Hendrix, Niel, Stapphennie, Axel, Hera and Barnie, they are the DECIPHER SQUAD. Not your typical high school squad, there's more to them than what you see. Don't ever try hiding things or keeping something a secret from them, because they w...