Chapter 35 (One of Them)

604 40 8
                                    


Sabrina's POV

He's one of them.

Nagkatinginan kami ni Hera at mukhang pareho kami ng nasa isip.

Ang nakita namin ay isang tattoo, tattoo ng isang leon na dyamante ang mga mata. Sa una ay hindi mo ito mapapansin dahil tinakpan ni Dexter ng make up ang tattoo, pero dahil pinagpawisan siya ay mukhang natanggal na ang ilang parte ng make up.

Bigla kong naalala si Barnie. Automatic na hinanap siya ng paningin ko at nang makita ko siya ay nakatingin na din siya sa may bandang tagiliran ni Dexter.

Tumingin siya saaming dalawa ni Hera at puno ng pagkaseryoso at galit ang mga mata niya.

No...

"Barnie!" Sigaw namin nang bigla nalang siyang lumapit kay Dexter at kinuwelyuhan ito.

Lahat kami ay nagulat sa ginawa niya.

Puwersahan niyang pinatayo si Dexter at akmang susuntukin ito pero napigilan siya agad ni Niel.

"Barnie stop!" ma-awtoridad na utos niya.

Tumigil ang kamao ni Barnie sa ere pero bakas pa rin ang galit sa mga mata niya.

"What's happening?" naguguluhan na tanong ni Jieun.

"Hey, can you put him down?" sita na rin ni Jaxx.

Hindi naman nakinig si Barnie at mas hinigpitan lang lalo ang pagkakakuwelyo niya kay Dexter.

"Barnie kumalma ka..." Si Stapph na ngayon ang dahan-dahang lumalapit kay Barnie upang patigilin ito.

"Kalma?! Paano ako kakalma ha? Isa si Dexter sa kanila!" sagot ni Barnie na ipinagtaka ng iba. Naga-apoy na ngayon sa galit ang mga mata niya.

"Anong pinagsasabi mo?" Kumunot ang noo ni J.E.

"Huminahom ka Barnie, please, mag-usap tayo nang maayos." Nakikiramdam na ngayon ni Niel dahil mukhang alam na din niya ang problema ni Barnie. Then he signaled Drix to pull Barnie away.

Drix followed at wala nang nagawa si Barnie nang sa isang iglap ay inilayo na siya ni Drix, si Chanlei naman ang naglayo kay Dexter.

"Mag-usap muna nang maayos pwede?" suhesyon ni Hera.

Nang mahimasmasan ng kaunti si Barnie ay kinausap siya ni Niel sa labas samantalang nanatili naman kaming lahat sa loob ng training room at kapwa naguguluhan.

After a while ay bumalik na rin ang dalawa. Wala na ang galit na ekspresyon ni Barnie sa mukha niya pero seryoso pa rin siya

"Now speak..." Jaxx ordered.

Napabuntong hininga naman si Barnie, "As you all know, kamamatay lang ng parents ko few weeks ago. Hindi totoo na pagnanakaw ang motibo ng pagpatay."

Naghintay kami ng reaksyon mula sa Special Section pero wala, mukhang hindi na sila nagulat sa ibinalita ni Barnie.

"Hindi namin alam ang totoong rason kung bakit, pero isa lang ang sigurado namin. Ang motibo ng mga nanloob ay upang patayin talaga si Dad, actually ang buong pamilya namin. At under sila ng iisang organization na hindi pa namin nakikilala." Huminto siya panandalian at tumingin kay Dexter na ngayo'y nagpapahinga na sa isang tabi. "Ang lahat ng nanloob ay may pagkakapareho, lahat sila ay may tattoo sa iba't ibang parte ng katawan nila. Ang tattoo na iyon, ay katulad ng tattoo mo, Dexter." He gave a straight face.

Napunta naman ngayon kay Dexter ang atensyon naming lahat. He looks wronged.

"Kaya ayon ang dahilan kung bakit nagalit ka kay Dex?" tanong ni Farrah.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon