Chapter 45 (Battle of the Heart)

597 40 15
                                    

Warning: Matured content, but not too much :)

Sabrina's POV

Literal na napanganga ako sa isinagot niya.

Ano daw? Maliligo ako? Pero naka-posas siya sa akin? What the hell is that?!

Automatic na huminto ako sa paglalakad para hindi niya ako mahila, pero nasaktan lang ako sa ginawa kong 'yon dahil tumama sa buto ko ang bakal ng posas.

"Let me go!" giit ko at sinubukang kumawala sa posas.

Walang emosyon naman niyang hinawakan pa gamit ang kabila niya pang kamay ang kamay kong naka-posas tsaka niya ako hinilang muli.

Sa ginawa niyang 'yon ay hindi na ako nasaktan sa panghihila niya dahil naka-suporta na ang isa niyang kamay, pero hell no!

Maliligo ako tapos kasama siya? I'd rather die!

Habang naglalakad ay walang tigil ang mura ko sa kanya para lang pakawalan na niya ako pero parang wala lang siyang naririnig. Nakatanggap na din siya ng ilang suntok, hampas at sipa mula sa akin pero wala pa rin siyang pakielam.

Nabubwisit na ako.

At sawakas ay huminto na din siya sa panghihila sa akin nang makarating na kami sa isang panibagong kwarto.

Ang kwarto na 'to ay mas mukhang normal kumpara sa kwarto na pinaglalagyan nila sa akin. May kama din ito pero may kutson na at mga unan. May ilang furnitures na din ang loob at mas malaki ang bintana ng kwarto dito kesa sa kinaroroonan ko.

Kung dito lang sana nila ako nilagay edi sana madali na akong nakatakas.

Bigla namang binomba sa kaba ang puso ko nang mahinto ang tingin ko sa cr na nasa gilid, lalo na nang hilahin na naman ako ni Drix papasok doon.

No way!

I used all of my strength para lang hindi magpahila pero kahit anong gawin ko ay nahila pa rin niya ako papasok sa cr.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. "Bakit mo ba ako pinipilit, ha?" nabubwisit kong tanong kasi hindi ko na talaga nagugustuhan ang mga ginagawa niya sa akin.

Mas gugustuhin ko na nga lang na hindi na siya makita pa sa lugar na 'to kesa lagi-lagi nalang siyang sumusulpot.

Kinamumuhian ko talaga siya ngayon at ayoko nang lumapit pa sa kanya. Sapat nang nalaman ko na kumampi siya sa Vilchez mafia para traydurin ako at hayaang mapahamak. Sapat na ang katotohanang iyon para masaktan niya ako ng todo, tapos ngayon lalapit-lapit pa rin siya?

Alam niya bang mas lalo akong nasasaktan sa ginagawa niya? Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya dahil naaalala ko lang ang kahayupang ginawa niya sa akin. Bakit ba ayaw niya pa rin akong tigilan?

Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman kong kinakain na naman ako ng emosyon, I hate that feeling.

Nasa teritoryo nila ako, hindi dapat ako magpakita ng kahit anong kahinaan man lang.

"Ayaw mong kumain, tapos ngayon ayaw mo na ring maligo?" blankong tanong niya.

Sarkastiko naman akong natawa. "Akalain niyo 'yon, may pakielam pa pala kayo sa kalinisan ng bilanggo niyo? Eh kung itrato niyo nga ako dito, para akong hayop tapos ngayon magrereklamo kayo sa kalinisan ko?" naiinis kong sagot.

Nakita ko ang pagpikit niya at mukhang nainis din siya sa narinig pero kinakalma niya lang ang sarili niya.

Dinukot niya ang susi ng posas sa bulsa niya at sinimulan nang kalasin ang posas naming dalawa.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon