Chapter 17 part 2 (More)

615 44 0
                                    


Second part.

-------------------

Niel's POV

Nakarating na rin kami sawakas sa address na binigay ni Dexter. Tulad sa picture kanina ay isang malaking warehouse nga ito. Nakita rin namin 'yong van na nakaparada sa harapan lang.

Naunang bumaba si Drix since siya ang sakay ng motor.

Sinundan naman namin siya at maingat na humanap ng daan papasok.

May nakita kaming pintuan papasok kaya tumungo kami doon. Pero natigilan kami nang may lalaki ang lumabas mula roon.

Naninigarilyo ito. Nakasuot siya ng itim na hoodie ngunit nakababa ang hood.

"Andito nga sila." Bulong ni Barnie.

"Dito muna kayo." Si Drix ang naglakas loob na lumapit doon sa lalaki at normal lang na naglakad palapit dito. Nakapamulsa pa siya.

Napa-face palm ako. Mag-ingat ka Drix.

"Excuse me." Tumigil agad 'yong lalaki sa paninigarilyo at hinarap si Drix.

"Anong kailangan mo?" Sinuri ng lalaki ang kabuuan ni Drix at natigilan siya nang makita ang uniform na suot nito.

Patay, mukhang nalaman niyang sa Hendrim din nag-aaral si Drix.

"May hinahanap lang kasi akong tatlong babae. Baka nakita niyo sila."

Nagsuspetsya na agad ang tingin ng lalaki at itinapon ang sigarilyo niya tapos ay tinapakan ito.

"Wala akong nakita." Agaran niyang sagot.

Ngumiti si Drix. "Sigurado ho ba kayo? May nakapagsabi kasi saakin na may dinala daw dito na tatlong babae, pwede ko bang tignan sa loob?"

Mukhang hinuhuli ni Drix 'yong lalaki. Pinakiramdanan ko pa sila at sa kung ano ang nasa isip ni Drix.

"Anong may dinala rito? Umalis ka na nga bata! Pinagbibintangan mo ba ako ha? Hindi ka pwedeng pumasok dahil trespassing 'yon! Alam mo, umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis." Pananakot ng lalaki.

"Baka naman pwede kong tignan o kahit silipin ang loob lang." Pangungulit pa rin ni Drix.

"Haist, ano bang ginagawa niya? Papalpak lang tayo lalo eh." Bulong ni Axel.

"Just trust him. May plano siya." Sagot ko naman.

Yes. I know Drix, hindi siya susugod nalang bigla nang hindi muna pinag-iisipan. Kaya I trust him.

"Hindi nga sabi pwede." Mukhang naiinis na 'yong lalaki.

"Why? Are you hiding something?"

Napikon na 'yong lalaki "Ang kulit, sinabi na nang hindi ko nakita 'yong mga estudyanteng hinahanap mo eh! Hindi ka ba makaintindi? Tatawag na talaga ako ng pulis!"

Pero imbes na umalis ay ngumisi lang si Drix.

Tinalikuran na siya ng lalaki pero hinawakan siya ni Drix sa balikat kaya napatigil ito sa paglalakad.

"Sandali lang ho. Paano mo nalaman na mga estudyante ang hinahanap ko? Wala naman akong nabanggit na mga estudyante ang hinahanap ko 'diba?"

Natigilan 'yong lalaki at mukhang hindi makagalaw.

"Oohh, nice one Drix." Bulong ni Barnie.

Hindi ko nalang din maiwasan ang mapangiti.

Nakita ko ang pagkuyom ng lalaki at parang hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon