Chapter 56 (Crashing Forces)

536 32 3
                                    


Niel's POV

"So you're telling us na hindi sumipot si Sabrina sa meeting ng team nila kahapon?" pag-uulit ni Barnie sa sinabi ni Axel.

Tumango si Axel habang sumusubo ng sandwich. "Oo, ayon ang kwento sa'kin ni Arianne."

Nanunukso naman siyang tinignan ni Stapph. "Ayon, magka-kwentuhan na pala sila ni Arianne, dumada-moves na ang Ventura natin!" Nang-aasar niyang ginulo ang buhok ni Axel tuloy ay natigil si Axel sa pagkain at inis na sinamaan ng tingin si Stapph.

"Malisyoso kang babae ka! Nagkwento lang 'yong tao kasi gusto niyang ipaalam din kay Hendrix na hindi nga naka-dalo ng meeting si Sab kagabi!"

"Ang daming palusot Axel, nako, pero anong sabi mo? Hindi umattend sa meeting si Sab? Eh 'diba siya ang leader ng team nila?" Napakamot si Stapph sa ulo niya at animong nagtataka.

"Oo nga Stapph, kanina ko pa sinasabi, paulit-ulit?" tugon ni Axel.

"Bakit naman mawawala si Sab? Eh 'diba doon naman siya nagi-stay sa meeting place nila? Bakit siya mawawala?" tanong ko.

Napansin ko naman ang biglaang pagkatigil ng nurse na nandito ngayon upang i-check si Drix. Mukhang may narinig siya mula sa'min na nakakuha ng atensyon niya.

"Ang sabi ni Arianne ay nakuwento daw sa kanya na may kikitain lang daw si Sab earlier that night. Tapos hinintay daw nila nang hinintay pero wala namang Sab na dumating."

"Then where is she?" Ngayon naman ay si Drix na ang sumabat sa usapan.

"Hindi pa rin ba siya bumabalik?" tanong ni Barnie.

Sa puntong ito ay mas lalo kong pinagmasdan 'yong nurse na nag-aasikaso kay Drix. Pinalitan niya kasi ang ilang benda sa katawan ni Drix kaya lang, mukha namang kanina pa niya tapos ang trabaho pero hindi pa rin siya umaalis hanggang ngayon.

Pasimple akong lumakad palapit kay Drix at mas pinagmasdan ang nurse.

"Hmmm I don't know, let's ask later," ang sagot ni Axel sa tanong ni Barnie.

Para makasiguro sa napapansin ko ay nagsalita ako.

"Tawagan nalang natin si Sab mamaya para sa kanya tayo mismo magtanong." Sinabi ko 'yan na ang tingin ay nakatutok pa rin sa nurse.

At hindi ako namamalikmata nang makita ko siyang lihim na ngumisi matapos marinig ang sinabi ko.

Nagkatinginan kami ni Axel at sabay na napatango. Mukhang napansin din niya ang napansin ko.

Agad din namang umalis ang nurse nang ibahin ko na ang pinag-uusapan. Hindi na tungkol kay Sabrina. Nang tuluyan na siyang makalabas ay sabay-sabay kaming nagkatinginang lahat.

"Sabi sa'yo at mukhang espiya 'yong nurse na 'yon dito eh," saad ni Axel na sinang-ayunan ni Drix.

"Follow her."

Tinanguan ko ang sinabi ni Drix at ako na ang kusang lumabas upang sundan ang nurse, siniguro ko na magagawa ko ito nang maingat at hindi niya napapansin. Mukhang tagumpay naman ako dahil nang marating niya ang hagdanan ay doon siya nanatili at maingat na lumingon-lingon sa paligid.

Mabilis akong nagtago sa pader sa gilid nang mapatingin siya sa gawi ko. Malapit lang ang kinaroroonan ko sa kanya kaya nakikita at naririnig ko siya sa kabila ng distansya namin.

Nakita kong maingat niyang kinuha ang cellphone at may tinawagan. Kumunot naman ang noo ko sa mga nasaksihan, lalo na sa mga narinig.

"Hello? Kumpirmado ko na, ang mga tao sa room 407 ay may alam sa kinaroroonan ng heiress, hindi lang 'yon, base sa narinig ko ay mukhang nawawala ang heiress ngayon."

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon