Chapter 59 (Broken Eclipse)

628 33 5
                                    


Hera's POV

"Are we there yet?" Naiinip na tanong ni kuya Ben sa driver. Umiling lang naman ang Hewson member na siyang pinag-drive namin bilang sagot.

"Then hurry up! Our time is precious, you know?" Naiiritang dagdag ni kuya Ben, ngunit muli ay isang tango lang ang isinagot ng nagdadrive.

Abot-abot naman ang kaba ko at bahagyang nagkatinginan pa kami ng driver mula sa salamin pero ako na ang unang bumawi ng tingin.

Naka maskara ang driver na 'yon at miyembro din siya ng Hewsons, sa shotgun seat naman ay si Felix ang naka-upo, naka-maskara rin siya.

Ako naman ay nakaupo sa passenger's seat katabi si kuya Ben.

Tanging kaming apat lang ang sakay ng kotse na 'to. Pero sa isa pang separate na sasakyan nakasakay ang Hewson king and queen. It's a van to be exact, may kasama silang pitong bodyguards sa loob non.

At ngayon ay tinatahak namin ang daan patungo sa lugar kung saan naroroon ang Ortelius' heiress—si Sabrina.

Buong biyahe ay hindi ako pinapansin ni kuya Ben, tanging si Felix lang na nasa harapan ang kinakausap niya.

Speaking of Felix, wala sa sariling napatitig ako sa kanya, mukhang naramdaman din niya ang pagtitig ko kaya ibinalik niya sa'kin ang tingin.

Nakatakip ng maskara ang kalahating bahagi ng mukha niya pero nakita ko ang pagngiti niya. Nalaman ko 'yon dahil bahagyang kumulubot ang gilid ng kanyang mga mata.

Napalunok naman ako dahil sa kaba at napaiwas ng tingin, sa kalsada ko nalang itinuon ang tingin para naman mawala kahit papaano ang kaba ko.

Sino ba naman ang hindi kakabahan matapos ng lahat nang nangyari kagabi?

"F-Felix..." Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko ay nabalot ng takot ang buong sistema ko.

Nanatili ang tingin ko kay Felix na ngayo'y nasa labas lang pala ng kwarto ko. Nakahalukipkip ang kanyang mga braso at seryoso na nakatingin sa'kin.

Mukhang narinig niya ang pag-uusap namin ni Dexter sa loob ng kwarto ko!

"K-Kanin-na ka pa d-diyan?" Halos hindi na ako makatingin sa mga mata niya nang deretso.

Pasimple kong sinasara ang pinto sa likod ko pero bago ko pa 'to masara ay iniharang na niya agad ang kamay at walang pasabing nagdere-deretso papasok.

No!

"Felix 'wag!" Nagmadali din ako sa pagpasok at hihilain ko na sana siya palabas pero huli na ang lahat.

Nagkatinginan na silang dalawa ni Dexter na ngayo'y prente lang na nakahiga sa kama ko.

Shit!

Sinara ko nang maigi ang pinto para matiyak na walang makakakita ngayon sa mga nangyayari dito sa loob.

"F-Felix wait, let me explain," Bahagyang nanginig ang mga kamay ko. "H-He's just—member siya ng Hewson!" Mabilis akong tumakbo palapit kay Dexter at hinila siya patayo.

Hindi pa rin nagbabago ang itsura ni Felix, seryoso pa rin siya hanggang ngayon.

"Nandito siya sa kwarto ko kasi—ano kasi..." Nakagat ko ang ibabang labi dahil para na akong maiiyak sa kaba at takot.

Nahuli kami ni Felix, nahuli niya si Dexter sa loob ng kwarto ko! Isang kalaban sa loob ng kwarto ng Hewson princess!

Nagmamakaawa kong tinignan si Felix, "don't tell Dad and kuya, please." My face softened.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon