Chapter 22 (Mr. V)

658 46 14
                                    


Axel's POV

Ano kayang meron? Bakit pinapapunta kami ng SS heads sa auditorium? Kasama namin ang Special Section.

Ano na naman kaya ang pakulo na magaganap?

Bumungad agad saamin pagpasok namin si Mr. Si at Mr. Ocampo, nakaupo sila sa may stage kaya naman umupo nalang din kami sa mga upuan sa harapan nila at naghintay ng mga sasabihin nila.

"Mr. Ocamps, dito ba tayo magkaklase?" Tanong ni J.E.

Umiling naman si Mr. Ocampo. "Hindi. Nandito lang kayo para marinig ang announcement namin."

"Tungkol saan po?" Tanong ni Hera.

Bigla namang napangiti ang dalawang SS heads at bigla-bigla ay may picture ang nag-show mula sa projector.

Kumunot ang noo namin sa nakita. Isa itong beach.

Anong meron diyan?

"Eto ang San Nicolas beach, white sand at hindi populated ng mga turista dahil bagong bukas lang ito." Panimula ni Mr. Si.

"Ano pong meron diyan Mr. Si? May bago ba kaming case diyan?" Mukhang na-eexcite na tanong ni Arianne.

"Hmm, hindi. Pero pupunta kayo diyan. Napagdesisyunan ni Madame na pagpahingain muna kayo mula sa mga school works at hassle mula sa mga sinosolve niyong case. Mag-iistay kayo diyan sa beach na yan for 3 days. Let's just say na para lang kayong nag-field trip o nag retreat."

Nanlaki ang mga mata namin sa narinig at napatayo pa ang iba saamin sa gulat.

"Talaga?!" Gulat kong tanong.

Hindi rin makapaniwala pati ang SS at alam kong lahat kami ay na-eexcite.

Natawa ang dalawang head sa naging reaksyon namin.

"Kailan kami pupunta diyan Mr. Ocamps?" Tanong ni Jieun.

"Next week na. Monday to wednesday to be exact." 

"Agad?!" Sabay-sabay naming tanong.

Ang bilis naman kasi! Friday ngayon tapos monday aalis na agad kami?

"Mamili kayo, sa monday na o wag nalang?" Natawa si Mr. Ocampo.

"Sabi nga namin monday nalang, gusto niyo ngayon na eh? Mag-iimpake na kami." Biro ko kaya natawa sila.

"Ngayon, eto ang mga letter na ibibigay niyo sa mga parents niyo para malaman namin kung papayagan ba nila kayo." Binigyan nila kami isa-isa ng letter para siguro sa parent's consent.

"Nice." Napapangiting bulong ni Niel.

"Mas maganda sana kung makukumpleto tayong lahat." Dagdag pa ni Mr. Ocampo.

Bigla namang nagtaas ng kamay si Sab.

"Yes Dela Vega?"

"Sa tingin ko ay hindi ako makakasama." Singit niya.

Ha? Ang korni talaga ni Sabrina kahit kailan. Walang sense of fun! Boring! Boring ka Sabrina! Hehe.

"Bakit naman Sab?" Nanghihinayang na tanong ni Stapph sakanya.

Natawa naman si Sabrina. "You know who my father is. Go and persuade him." Katwiran niya kaya napa-isip naman ako.

Sabagay, senator nga pala ang tatay niya. At last time noong nakilala namin si sen. Dela Vega ay parang ang sungit niya.

"Hala sayang naman Sab." Pagmamaktol pa ni Hera.

"Hindi yan 'no! Be positive Sab, papayagan ka din ng senator." Giit ni Barnie.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon