Hendrix's POVNatigil ako sa panonood ng TV nang may biglang nag-door bell dito sa apartment ko.
Kakauwi ko lang galing school at wala naman akong magawa kaya nanonood lang ako ng movie--mag-isa.
Kumunot ang noo ko at tumayo para pagbuksan ang buwisit na nang-iistorbo saakin ngayon.
"Lil bro!"
T*ngina, sabi na...
Sumama na agad ang mukha ko nang bumungad saakin ang mukha ng kapatid kong takas sa mental.
"Anong ginagawa mo dito?" Bored kong tanong.
Nginisian naman niya ako at sinalubong ng yakap.
"Nice to see you too, kapatid!"
I just shook my head and pushed him away bago ko siya ginawaran ng mahinang suntok sa sikmura. That's how I welcome him.
"Haha! Eto naman, masyadong mainit ulo. Pagtimpla mo muna nga ako ng juice." Makapal mukha niyang sabi.
Nagdere-deretso na siya papasok sa bahay ko at prenteng umupo sa sofa tapos ay kinain ang chips na kinakain ko.
Wala nalang din akong nagawa kung hindi ang sundan siya.
I glared at him. "Anong kailangan mo kuya?" Nagbabanta ang tono ko just to let him know na kapag walang kwenta ang ipinunta niya dito ay palalayasin ko talaga siya.
"Kailangan ko? Uhm, pwedeng pahingi ng juice? Tamisan mo ah, maalat kasi yung chips--"
Automatic na lumipad papunta sa mukha niya ang unan ko.
"Aray naman Hendrix! Akala ko ba tinatanong mo kung ano ang kailangan--"
"Phoenyx, isa pa talaga mababaril na kita." Pagbabanta ko.
Natawa nalang siya.
"Oo na. Andito lang naman ako para ipaalam sayo na may nakaharap akong gang. Kabilang sila sa Ortelius."
Agad na nakuha niya ang atensyon ko dahil sa sinabi niya.
Ortelius huh?
"Then? What happened?"
"Wala daw silang alam." Kalmadong sagot niya habang sumusubo ng chips.
Napapikit naman ako sa inis. "D*mn you Nyx. Bakit hindi mo binugbog? Ayaw pala magsalita eh, bakit hindi mo pinagsalita?"
"Ginawa ko naman lil bro. Kaya lang noong binubugbog ko na, may dumating na pulis kaya nag-retreat nalang kami ng gang ko. Mahirap na, baka makarating kay Dad ang mga pinaggagawa ko, and that's all for you."
"Tss, wala naman palang kwenta 'yang gang mo. Kalasin mo na nga 'yan." Marahas kong hinawi ang paa niyang naka-dekwatro para makaupo rin ako sa sofa.
Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Nainsulto ata.
"Oy! Dahil sa gang ko, nakakakuha tayo ng impormasyon tungkol sa Ortelius ano!"
"So? What now? Napalapit na ba tayo sa Ortelius? It's been 3 years now, wala pa ring nangyayari."
"Hindi naman kasi ganoon kadali 'yon Drix eh. Tandaan mo. Mafia ang hinahabol natin. Talagang tago sila, at kailangan nating mag-ingat."
"Tss." Ayan nalang ang naisagot ko dahil kahit ako ay naiinip na.
"Kaya nga pinasali kita sa special section hindi ba? Mas mapapalapit ka na sa mundong iyon, full of crimes and mysteries, and of course action too. Bakit kasi hindi mo sabihin sa Decipher Squad na imbistigahan niyo ang Ortelius? Under kayo ng HIA diba? Mas malaki na ang chance mong mahanap ang Ortelius ngayon kung makikipagtulungan ka sa Decipher Squad."
BINABASA MO ANG
Decipher Squad
Mystery / ThrillerSabrina, Hendrix, Niel, Stapphennie, Axel, Hera and Barnie, they are the DECIPHER SQUAD. Not your typical high school squad, there's more to them than what you see. Don't ever try hiding things or keeping something a secret from them, because they w...