Chapter 25 (Unexpected: Case SOLVED)

699 43 18
                                    


~Answer the riddle at the end~


Barnie's POV

Pare-pareho lang kaming tahimik dito dahil sa mga nangyayari. Hindi namin inexpect na ganoon ang magiging reaksyon nina Mr. And Mrs. Baltazar kay Ms. Antonette.

Pumunta muna sa garden ang parents ni Aliyah kasama ang dalawang heads, para kumalma na rin sila, kaya ngayon, natira nalang kami dito sa loob kasama ang mga possible suspects.

"Paumanhin po sa tatanungin namin Ms. Antonnette pero bakit po kayo ang sinisisi ng parents ni Aliyah sa pagkamatay ni Aliyah?" Taas kilay na tanong ni Farrah at mukhang nag-hihinala na.

Isang malungkot na buntong hininga ang pinakawalan ni Ms. Antonnette at tsaka sumagot.

"Dahil may galit ako sakanila. Matagal na akong may alitan sa kapatid ko at sa asawa niya. Dahil lang naman iyon sa kumpanya at agawan sa mana kaya kami nagkalabuan ng kapatid ko--which is ang daddy ni Aliyah. Simula noon ay hindi na kami muling nagkita pa, ngayon lang ulit. At kaya nila ako sinisisi sa pagkamatay ni Aliyah ay dahil sa tingin nila ay paraan ko iyon ng paghihiganti sakanila." 

Magsasalita na sana ako pero nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Aaminin ko na may galit nga ako sa pamilya ni Aliyah pero kailan ma'y hindi ko idadamay ang pamangkin ko sa gulo namin ng mga magulang niya. Kahit tanungin niyo pa ang mga taong malalapit saamin, malalaman niyo na close kami ni Aliyah at hindi ko kayang gawin sakanya iyon." Dagdag niya at naluluha na.

"May nabanggit po si Mrs. Baltazar na pinagbantaan mo na daw ang pamilya nila. Totoo po ba ito?" Tanong ko at mukha siyang nagulat.

"'Y-yong tungkol doon. T-totoo na pinagbantaan ko sila pero sobrang nagalit lang ako noon kaya ko sila nasabihan ng ganoong klaseng mga salita. Pero maniwala kayo, wala talaga akong balak sa kanila."

Napatango ako.

"If you wouldn't mind us asking but, could you tell us what happened last night from your point of view?" Si Dexter naman ngayon ang nagtanong.

Kaya ayokong nagsasalita ito eh, english talaga kung english!

Inalala naman ni Ms. Antonnette ang nangyari kagabi at tsaka sumagot. "Kagabi bago mag-inuman sina Aliyah, ako ang naghatid ng mga miryenda nila. Tapos non ay pumasok na ako sa loob ng guest house para maglinis ng mga kwarto na gagamitin nila. Matapos din non ay natulog na ako."

"Dito kayo mismo sa guest house natulog hindi po ba?" Paninigurado ni Hera.

"Oo, sa pinakataas ang kwarto ko sa dulo."

"Kung gayon po, wala po ba kayong narinig na sigaw ni Aliyah sa kalagitnaan ng gabi?"

Hmmm, oo nga ano? 

"Wala eh. Siguro masyadong mahimbing ang tulog ko. At tsaka kung talagang sumigaw si Aliyah, edi sana narinig na rin ng ibang tao 'yon. Lalo na ng mga tao sa kabilang guest house." 

"Kami po ang nasa kabilang guest house." Sagot naman ni Arianne.

"Kung gayon, kayo ba wala ba kayong narinig na sigaw ni Aliyah o paghingi niya ng tulong?"

Napaisip naman kaming lahat. Wala naman eh, ang tahimik nga kagabi eh.

"Wala naman po." Sagot ni Niel.

"Bakit kaya? At sino ang may gawa nito sa pamangkin ko?" Malungkot na bulong niya.

Napabuntong hininga nalang din ako. Tinignan ko ngayon si Luisa. Siya ang pinaka pinaghihinalaan namin, next si Herald.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon