Chapter 39 (The Ace Revealed)

573 39 28
                                    

Dedicated kay kayeselleqt

Barnie's POV

"The mafia princess is here, she's always been..." pagbasa ni Niel.

Sa isang iglap, ay sumeryoso kaming lahat.

Tignan mo nga naman.

Sarkastiko akong natawa at lumapit kay Niel upang kunin ang itim na papel na hawak niya.

Kinuha ko ito para mas mabasa ko nang maayos ang nakalagay. I just can't believe it.

'The mafia princess is here, she's always been...'

Totoo nga, ayan na ayan nga ang nakasulat sa papel. At talagang may logo pa ito ng trinity union sa itaas.

Napangisi ako at kasabay nito ang pag-init ng ulo ko. Bumabalik na naman ang lahat ng galit, ang lahat ng ala-ala.

Mafia princess? That mafia princess who killed my parents?!

Nakuha ni Stapph ang atensyon ko nang lapitan niya ako at himasin ang likod ko.

"Barnie kalma okay?" paalala niya.

Blanko ko lang naman silang tinignang lahat. Sinubukan ko din na sundin ang sinabi ni Stapph—ang kumalma lang.

"May makakapag-explain ba sa akin kung ano ang ibig sabihin ng papel na 'to?" mahinahon pero seryoso kong tanong. Wala namang miski isa ang sumagot dahil mukha ring malalalim ang iniisip nila.

"Isa sa'tin ang mafia princess, isa sa Decipher Squad?" nanlilinaw na tanong ko dahil iyon ang pagkakaintindi ko sa nabasa.

Gulat naman nila akong tinignan.

"What? Of course not Barnie! Hindi naman porket may 'here' na sinabi diyan sa papel ay ibig nang sabihin ay isa na sa Decipher Squad ang mafia princess," sagot ni Niel.

"Oo nga Barnie, tsaka baka ang tinutukoy na 'here' diyan sa papel ay ang buong Hendrim Academy," katwiran din naman ni Hera.

Napabuntong hininga nalang ako. That's good to hear, para akong binunutan ng tinik. Hindi ko rin alam kung bakit parang bigla nalang pumasok ang pagdududa na ito sa isipan ko.

I shouldn't think things like this.

"Alam niyo." Napunta ang atensyon naming lahat kay Sabrina.

Seryoso siya at nakatitig lang sa itim na papel na hawak ko ngayon. Naglakad siya palapit at kinuha ang papel.

"We should not believe this kind of things so easily. Ni hindi nga natin alam kung sino ang nagpadala nito. Paano tayo makakasiguro sa credibility ng claim na 'to?"

Napatango naman ang iba. "Sabrina's right. Naaalala niyo ba ang tinuro sa atin noon ni Mr. Si? Tungkol sa distractions? Hindi ba't bilin niya na wag tayong magpadala sa distractions? At baka, distraction lang ang bagay na 'yan. Kailangang mag-isip-isip muna tayo bago maniwala," punto naman ngayon ni Niel.

At baka nga tama sila. Baka nga pinaglalaruan lang kami ng nagpadala nito.

Pero, sino? At bakit?

"Pwede rin namang hindi," Si Hendrix na ngayon ang nagsalita kaya napatingin kami sa kanya dahil taliwas naman ang opinyon niya. "Pwede rin naman na isa itong babala."

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Hera.

"I don't know. I'm just saying na baka totoo ang nakalagay diyan sa papel. Obviously, ang nagpadala ng mensahe ay may nalalaman sa trinity, dahil na rin sa logo ng trinity union na nakalagay sa itaas ng papel. At alam nating lahat na hindi basta-basta nalalaman ng kung sino lang ang logo na 'yan."

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon