Chapter 38 (Classmate)

661 37 65
                                    

Hendrix's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hendrix's POV

Muli kong tinignan ang papel na hawak ko, tapos ay inilipat ko ang tingin sa bahay na nasa harapan ko ngayon.

So this is the location?

Kahapon, nang hinahanap namin ang mapa sa briefcase ni Jack Alcantara ay nakita ko rin ang isang itim na papel na may nakasulat na coordinates. Nang tignan ko ang address ng coordinates na iyon ay dito ako napadpad—sa isang malaking bahay na 'to.

But I don't know why this place seems familiar, have I been here before?

Naalala ko din na 'target' ang nakasulat sa itim na papel, sa ibaba ng coordinates. Kung tama ang pagkakaintindi ko, target ng mafia na gumagamit ng peacock's tail logo ang kung sino man ang naninirahan sa bahay na 'to.

I immediately jumped out of my motorcycle and walked towards the gate of that house. At ganoon na lang ang pangungunot ng noo ko nang makilala kung sino ang may ari ng kotseng nakaparada ngayon sa gilid ng bahay.

Damn, I should have known. Inis kong kinuha ang phone ko at tinawagan siya.

Calling Sabrina...

Naka-ilang ring bago niya sagutin.

[Why?] sagot niya—ni wala man lang hello-hello.

"Lumabas ka ng bahay ngayon."

She paused for a second, [and why would I?]

"Just do it..." Binaba ko na ang tawag at hinintay nalang siyang lumabas ng gate.

Maya-maya pa ay lumabas nga siya at inilibot ang tingin sa paligid—hanggang sa mahinto ang tingin niya sa'kin.

Nanlaki agad ang mga mata niya nang makita ako kaya hindi ko maiwasang matawa.

Gulat na gulat?

Hindi ko rin sinasadya na pagmasdan ang kabuuan niya ngayon. Naka-pambahay lang siya, shorts and a simple shirt. She looks good, though.

Lumapit siya sa akin at hindi makapaniwala akong tinignan, "Hendrix?"

Nginisian ko naman siya. "Bakit ang tagal mong lumabas?" I asked pero tanging pagtaas ng kilay lang ang natanggap ko.

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? I can't recall na sinabi ko kahit kanino ang address ko."

Bigla tuloy bumalik sa pagkaseryoso ang mukha ko sa na-realize.

Sabrina is their target...

"May nalaman ako, I'll tell you inside," pag-iiba ko kaya mukhang nakatunog naman siya na seryoso ang pag-uusapan naming. Napabuntong hininga nalang siya at pinagbuksan ako ng gate.

"Pasok." Nagpauna na siya sa loob, sumunod naman ako.

Umupo ako sa may sofa sa living room.

"Anong nalaman mo?" curious niyang tanong.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon