Chapter 14 (Office Murder Case SOLVED)

767 44 11
                                    


Sabrina's POV

Gusto kong sabihin sa'yo na pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa ko. Hindi ko sinasadya, hindi talaga. Sana mapatawad mo din ako. Hindi na kinakaya ng konsensya ko, patawad. Alam kong sobra kitang nasaktan sa nangyari, hindi ko talaga sinasadya na mapatay siya maniwala ka. Aksidente ang nangyari sa'min ni Evalyn. Alam kong may balak ka rin na paghigantihan ang pagkamatay ng kapatid mo. Alam kong pinagpaplanuhan mo na ako, hindi na rin kaya ng konsensya ko dahil ilang gabi na rin akong binabagabag ni Evalyn sa panaginip ko. Tatanggapin ko ang kamatayan ko, pero kailangan mo ring panagutan ang magiging kasalanan mo at ang gagawin mong pagpatay sa'kin. Natatakot akong harapin ka, lalong lalo na ang galit mo, patawad muli.

Sana nababasa mo 'to ngayon, Hana.

- Sofia

Hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa isipan ko ang letter na natagpuan namin na siyang laman ng memory card na nasa likuran ng cellphone ni Sofia. Aside from that confession letter, naroon din sa loob ng memory card ang mga litrato ni Sofia kasama ang babaeng si Evalyn na na-mention niya sa letter, maging ang kapatid ni Evalyn na siyang pumatay kay Sofia.

So that's the reason, aksidenteng napatay ni Sofia ang kapatid ng killer niya. Alam din niyang paghihigantihan siya nito but she chose to do, nothing. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan ang naging pasya ni Sofia, kung bakit, alam na pala niyang may nagbabalak na sa buhay niya pero ni hindi man lang siya natakot at humingi ng tulong.

Was it guilt? Was she guilty enough and felt remorse and sympathy towards her killer?

May isa pang letter sa loob ng memory card at patungkol 'to sa kung ano ang totoong nangyari sa pagitan nila ni Evalyn na aksidente niyang napatay. She confessed that she was too shocked and scared and so she resorted into hiding her crime.

Naputol lang ang pagiisip ko nang makarating na si Mr. Si kasama ang pamilya ng biktima. Magkakaharap na kaming lahat ngayon, ang mga possible suspects, ang mga pulis, pati ang pamilya ni Sofia. Kanina pa hindi matigil ang iyak ng nanay at tatay niya.

"Decipher Squad, who's the culprit?" tanong ni Mr. Si.

Napabuntong hininga naman si Niel at tsaka nagsalita.

Here it goes, the moment of truth.

"It's Adam," walang alinlangang sagot ni Niel.

Mas lumakas ang iyak ng pamilya ni Sofia, habang hindi naman makapaniwala ang mga kasama ni Adam.

"Bakit ako?!" pag-angal niya agad na napatayo pa.

"I-Ikaw Adam?" Napakuyom ang tatay ni Sofia. Mukhang mahirap para sa kanila ang pigilan ang emosyon. I can't blame them, imagine, pinatay ang anak nila ng sarili niyang best friend.

"First point, alam na ni Sofia na may nagtatangka sa buhay niya, kaya marami siyang iniwang clues para malaman namin 'to. Unang-una, she left an apple as a clue, the apple itself is pointing at Adam. Alam naman siguro natin ang kuwento ni Adam and Eve and the forbidden apple," panimula ni Stapph.

Of course, the bible did not explicitly mention the forbidden fruit to be an apple, but it's the most famous representation. Also, it could mean as Adam's apple.

"Pangalawa, may natuklasan kaming note na may nakalagay na code sa likuran nito, upon decoding, pangalan ni Adam ang lumabas," dagdag ni Axel.

The 'back' on the phrase 'if only I could turn back time' ay nangangahulugang kabaligtaran ng alphabet. At kalahating apple means kalahati ng nasa code, sa reverse alphabet, ang in between ng bz, EC, bz, at NL will spell 'Adam' respectively. Dinaan ni Sofia sa code ang clue dahil kapag mismong pangalan ni Adam ang iniwan niyang clue ay maaari itong dispatsahin ni Adam kapag nalaman niya.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon