Chapter 18 (SAVE and KILL)

865 48 7
                                    


Sabrina's POV

Kinaumagahan ay nakauwi na din agad ako at nakaalis sa hospital. Pero nanatili doon sina Hera at Stapph--okay naman na talaga si Stapph, nakahanap lang siya ng excuse para hindi pumasok.

At ngayon ay nasa school kami. Tanging ako, si Niel, Axel at Barnie lang ang pumasok.

Ganoon pa rin ang naging daily routine namin, although kulang ng tatlo. Lagi ring kinakamusta ng mga faculty staffs sina Stapph at Hera.

Speaking of Hera, hindi pa siya gumigising, pero based from her doctor, she's getting better and better. Nanroon na ang guardian  niya para bantayan siya pero tuwing may free time kami ay dinadalaw namin siya.

Tapos magpapalate kami ng 30 mins dahil maglalaro kami sa Ent Hub. Idadahilan lang namin na na-traffic kami. Well it was all Axel's idea.

Matapos naming dalawin sina Hera ay Stapph ay muli kaming naglaro sa ent hub. And today's challenge?

Archery...

Nagbibilliards sina Axel at Barnie samantalang archery naman ang saamin ni Niel.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro nang pumasok si Agustus. Nasa VIP room kasi kami.

"Mga bata, kayo ba wala kayong balak bumalik na sa school? Mag-iisang oras na kayo dito oh." Pumasok siya para dalhan kami ni tubig. "Hindi ko ata nakikita si Steeven? Hindi niyo ba kasama?"

Steeven? Ah, Hendrix.

"Absent ho eh." Si Niel na ang sumagot.

"Ganoon ba? Nasaan naman kaya 'yon? Umaabsent lang 'yon kapag tinatamad, at laging dito lang naman ang punta niya. May bagong tambayan na ba siya?"

"Hindi rin po namin alam, wala naman pong sinabi." Sagot ni Barnie.

Nag-shrug nalang si Agustus. "Nga pala, lumabas sa balita 'yong nangyari sainyo kagabi ah."

Natigilan kaming lahat sa ginagawa at napatingin sakanya.

"Ho?" 

"Pero hindi naman kayo nasali sa balita. Ang sabi lang ay may tatlong sugatan na lalaki ang natagpuang nakatali at duguan sa isang warehouse kagabi. May tumawag daw sa mga pulis pero pagdating nila ay wala nang ibang tao bukod doon sa tatlo. May nakasulat sa mga balat nila na 'Arrest us, we're f*cking bastards'."

Natawa sila sa sinabi ni Agustus samantalang ako naman ay napangisi lang.

"Ang witty talaga ni Drix 'no?" Natatawang sabi ni Axel.

Alam na agad namin na si Drix ang may kagagawan ng lahat ng iyon.

Hinayaan ko nalang silang mag-usap at pinagpatuloy ang ginagawa ko pero natigilan ako sa na-realize.

Tatlo?

Binitawan ko agad ang bow na hawak ko tapos ay lumapit kay Niel.

"Give me Drix's address." Utos ko.

"Para saan?"

"Ibigay mo nalang." Bored kong sagot.

Kahit nagtataka siya ay binigay pa rin niya.

Mula sa table sa gilid ay kinuha ko ang susi ng kotse ni Axel.

"Let me borrow your car for a while Axel. Bye..."

Nagmadali akong lumabas ng VIP room. Baka mahabol pa ako ni Axel.

Narinig ko pa ang pagtawag niya saakin  pero maloko ko lang siyang nginitian at kumaway pa sakanya.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon