Chapter 29 part 2 (Case Dismissed)

646 42 24
                                    


Barnie's POV

Napalingon silang lahat saakin nang malakas kong binuksan ang pinto.

Hinihingal ko silang tinignang lahat at mukha naman silang naiirita sa ingay na nagawa ko.

"Anyare sayo?" Tanong ni Hera pero lumapit na agad ako sa kanila.

"Andrea needs our help!" Natataranta kong sabi.

Nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat dahil doon.

"Naabutan ko siya na sakay ng kotse na usually ay sumusundo sakanya. Pero noong kinausap ko siya ay may weird na sa mga sinasabi niya. Para siyang kinakabahan. Then ngayon ko lang na-realize na humihingi pala siya saakin ng tulong. Also, 'yong kotse na sinakyan niya kanina ay iba sa kotse niya na sinasakyan niya dati." Paliwanag ko.

Paano ko napansin na nanghihingi siya saakin ng tulong? Well, sinabi niya saakin ang message na 'Help Me'.

Kanina ko lang narealize nang balikan ko ang conversation namin.

"B-barnie!" Sigaw niya na para bang nabuhayan siya nang makita ako.

"H-h-hala oo nga!"

"E-ewan ko ba, hindi ko ata n-napansin na nawawala na pala."

"L-lagi ko na nga itong iingatan sa susunod, s-salamat"

"Paalam na Barnie."

"M-Mauuna na ako ah, salamat."

"Everytime!"

Ayan ang flow ng mga sagot niya saakin. At ang every first letter ng first word ay mag-iispell sa HELP ME.

Hala-Ewan-Lagi-Paalam Mauuna-Everytime

K-kaya pala siya nauutal at parang nag-iingat sa mga sinasabi niya ay dahil gumagawa na siya ng null code--which is bagay na tinuro namin sakanya.

"Ano pa ang nangyari?" Napatayo na si Niel kaya sumunod na din ang iba.

"Nag-rely siya ng message saakin using null code na ang ibig sabihin ay 'HELP ME'. Sa tingin ko ay may nagsakay sakanya sa kotseng iyon at sumakay naman siya sa pag-aakalang iyon ang sundo niya. Pero hindi sila nakaalis agad dahil nahabol ko sila, kaya pinilit nila marahil na pagmukhain na walang problema kaya nakipag usap saakin nang normal si Andrea. And siguro, kaya hindi siya makahingi ng tulong nang maayos dahil nga sa mga tao na kasama niya sa kotse, baka kung ano ang gawin sa kanya!"

"D*mn it. Sinasabi na nga ba." Singhal ni Axel.

"Saan naman kaya nila dadalhin si Andrea?" Bulong ni Stapph sa sarili at mukhang napapaisip.

Naging seryoso naman ang tingin ni Niel. "Mga anong oras sila umalis?"

Napaisip naman ako. "Mga 10 minutes ago pa."

Napabuga nalang ako ng hangin at medyo nagpapanic na. Pero no! Hindi ako pwedeng mag-panic! Baka mas lalo lang akong mablanko at walang maisip na paraan.

"Humingi kaya tayo ulit ng tulong kay Dexter Lee? Baka matulungan niya tayo gaya last time." Suhesyon ko na sinang-ayunan naman nila.

Magaling sa pag-track si Dexter remember?

Pero pagpunta namin sa room ng Special Section ay wala ng tao.

Paano na?!

"Sandali, sigurado ka ba talaga Barnie na dinukot si Andrea?" Paninigurado ni Drix kaya tumango naman ako.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon