Chapter 52 part 2 (Affliction)

499 34 9
                                    


Sabrina's POV

Umaagos ang dugo mula sa pulsuhan niya at sa tabi nito ay isang kitchen knife.

Mariin akong napapikit at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.

Si lola Neri—ay patay na.

"Damn it!" Muli lang akong napadilat nang biglang napaupo si Sunny sa sahig at mukhang galit na galit.

"Who the hell did this?!" nanggagalaiti niyang sigaw habang nangginginig ang mga kamay. Halata na pinipigilan niya lang ang sarili.

Malalim naman akong napabuntong hininga at lumapit sa kanya.

"Sunny, paano mo nasabi na may pumatay sa kanya?" nanghihina kong tanong, pilit ring pinipigilan ang damdamin ko.

Sobrang nakakaawa ang kalagayan ni lola Neri ngayon, pero kung makikita mo ang bangkay niya ay 'suicide' ang unang papasok sa isip mo dahil na rin sa cuts na makikita sa may pulsuhan niya na marahil ang dahilan ng pagkamatay niya.

Ilang sandali munang kinalma ni Sunny ang sarili niya tumayo at seryoso akong hinarap. Kumunot pa ang noo ko nang may bigla siyang ituro sa may dingding.

"Nakikita mo ba 'yong kalendaryo na 'yon? Ika-12 palang ngayong buwan, at may mga sulat ang mga sumunod na araw sa kalendaryo, ibig sabihin, may plano si agent Neri sa mga sumunod na araw. Wala siyang intensyon na magpakamatay! At isa pa, matagal na niyang hinihintay na tuluyan nang makawala sa HIA, at ngayon ay malapit nang matupad 'yon. Bakit pa siya magpapakamatay?" Inis na napa-sapo sa noo niya si Sunny at nagpabalik-balik sa paglalakad.

Napapikit na naman ako nang mariin nang maramdaman ang namumuong galit sa kalooban ko.

Muli kong tinignan ang walang buhay na si lola Neri at isinantabi muna ang emosyon ko para lapitan siya.

Itinapat ko ang daliri ko sa mga butas sa ilong niya, at nang wala akong maramdamang hangin mula doon ay lalo akong nanlumo.

She's really dead.

"It's too late, tumawag na tayo ng mga pulis," determinado kong sabi—pilit kinakalma ang sarili para hindi ako magpadala sa emosyon. Ilalabas ko na sana ang cellphone ko nang pigilan ako ni Sunny.

"Hindi basta-basta pulis ang kailangan natin, Sabrina, seeing na may taong nakapasok dito sa lugar na 'to at nangahas na gawin ang karumal-dumal na krimen na 'to means that, hindi basta-basta ang taong 'yon. Paano niya nalaman ang lugar na 'to? Ano ang rason niya sa pagpatay sa isang tahimik at kaawa-awang matanda? At higit sa lahat, paano siya nakapasok dito? Hindi basta-basta nagpapapasok si agent Neri dahil alam niya na isa ang lugar na 'to sa pinaka-iingat-ingatan ng HIA."

Bigla tuloy akong napaisip, tama siya. Noong unang beses kaming pumunta ni Hendrix dito ay hindi dapat kami papapasukin ni lola Neri kung hindi namin ipapakita ang Trapping the Ace na libro sa kanya.

Wala sa sarili akong napatayo dahil sa sinabi ni Sunny.

"I'm calling Mr. Si, he knows what to do," aniya at nagsimulang nang tumawag.

Nanatili naman akong tahimik na nag-iisip habang naaawang pinagmamasdan si lola Neri.

Hindi ko maiwasang masaktan dahil na rin sa katotohanang kapatid ni lola Neri si yaya Meli, at masakit isipin na parehong wala na ang magkapatid.

Sandali naman akong natigilan nang may mapansin sa katawan ni lola. 'Yong bibig niya, may mga tulo ng laway mula doon, gano'n din sa may bandang leeg at braso niya, namumula ang mga ito na para bang isang allergic reaction.

Kumunot ang noo ko nang may hinalang pumasok sa isip ko. Para makumpirma ang hinala ko ay nilibot ko ang buong bahay, hanggang sa napadpad ako sa may mesa.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon