Chapter 49 (Mafia Princess)

867 37 65
                                    


Sabrina's POV

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang kakaibang pagka-excite ang nararamdaman ko nang malaman kung nasaan ang lokasyon ng emblem ng Ortelius.

I should be frightened by the fact na ako na ngayon ang tanging tao na nakakaalam kung nasaan ito, pero sa hindi malamang dahilan ay mas nae-excite pa ako ngayon.

Finally, I can say na malaki na ang lamang ko ngayon kay Mr. V sa laban na 'to.

Maingat akong lumabas ng kwarto na tinutuluyan at dahan-dahang isinara ang pinto.

Marahan ko ding binuksan ang pinto ng kwarto ni Drix at sumilip sa loob nito.

Mabuti naman at tulog siya.

I stealthily entered his room and walk towards his side table where his motorbike's key resides.

Hindi ko rin maiwasang pagmasdan siya habang natutulog.

He looks more attractive in this state. Kitang-kita mo ang kapayapaan sa mukha niya and he's so defenseless. Ang pagkakurba ng kanyang mga nakapikit na mata ay maganda at napaka-amo tignan, pati ang tangos ng kanyang ilong. And his lips, oh no, I better not tell.

Sa ganitong kalagayan, mas naa-appreciate ko ang kagwapuhan niya dahil mas napagmamasdan ko ang kabuuan ng mukha niya nang maayos. At ang sarap sulitin na makita siyang ganito, 'yong payapa, calm, serene, innocent, pure at—err, bakit ko nga ba siya pinagmamasdan?

Did I just stopped for a moment just to admire his face?

Mukhang nakalimutan ko na ata kung ano ang ipinunta ko dito.

I immediately turned my attention away from him and diverted it to his motorbike's key instead.

Walang alinlangan ko iyong kinuha at sinigurado ko na hindi niya maririnig ang pagkalansing ng susi niya. Gamit ang lakas ng loob na inipon ko ay ibinulsa ko ang susi sa bulsa ng jacket na suot ko, tapos ay muli kong ibinalik ang tingin sa kanya.

Ngayon palang ay nakokonsensya na ako sa gagawin ko pero I need to do this. Sana maintindihan niya.

"I'm sorry," mahinang bulong ko at nagmadali na sa paglabas ng kwarto niya. Mahirap na, baka magising pa siya at mahuli ako.

Wala akong balak ilihim sa kanya ang tungkol sa nalaman ko about the emblem. Sasabihin ko din naman, pero kailangan ko muna ng plano. And to make the perfect plan, I need the Triple M's aid.

And that's what I'm going to do now. Pupuntahan ko sila upang i-klaro ang mga bagay-bagay and at the same time, bumuo ng plano kasama sila para sa magiging sunod naming hakbang.

Tinawagan ko si Mr. Si kanina at sinabi na may importante akong sasabihin, I also told him na mas maganda kung isasama niya si Mr. Ocampo at si Madame kaya pumayag naman siya at ngayo'y magkikita kaming lahat sa Entertainment Hub.

Sakay ng motor ni Drix, humarurot ako papunta sa Ent Hub ng namayapang si Agustus. Ang alam ko, si Mr. Si ang nangangalaga ng susi ng buong lugar, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bukas for business. Ang gusto kasi ng Triple M ay sa ika-40th day ng pagkamatay nalang daw ni Agustus namin ire-open ang business.

Gabi na kaya ramdam ko pa rin ang lamig ng simoy ng hangin na tumatagos mula sa jacket kong suot. Nakakatawa na hindi na ako nilubayan ng lamig magmula pa noong pumunta kami ni Hendrix sa Tagaytay.

Ilang minuto pa ang lumipas at sawakas ay narating ko na din ang ent hub. Ipinarada ko ang motor ni Drix sa tapat at maingat na pumasok sa loob. Si Mr. Si ang sumalubong sa akin pagdating ko at sinamahan niya ako papunta sa hidden room ni Agustus na nasa ilalim ng training room. Dito nakatago ang mga weapons ni Agustus pati na rin ang mga sikretong dokumento at mga papeles ng mga iniimbistigahan niyang kaso. In short, secret investigation room niya 'to dati.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon