Chapter 55 part 1 (Caught)

541 37 8
                                    


Frederick Sicily's POV

"Mr. Si, what are you doing here? May klase ka hindi ba?" bungad na tanong na agad ni Hendrix pagkapasok ko palang sa hospital room niya.

Tignan mo 'tong batang 'to, siya na nga ang dinadalaw eh.

Napangisi nalang ako at inilapag sa mesa sa gilid niya ang mga prutas na dala ko.

"Mamaya pang alas-onse ang sunod na klase ko," sagot ko naman at humila ng isang upuan para maka-upo.

Tinapunan ko din ng tingin si Axel na mahimbing na natutulog sa couch sa gilid.

"Mukhang mahimbing ang tulog ng bantay mo ah?" natatawa kong sabi.

Inismiran naman niya ako at inis na tinignan si Axel. "Ewan ko ba sa inyo kung bakit kailangang nandito pa si Axel. Kaya ko naman ang sarili ko, and he's pretty useless to be honest," masungit niyang sagot.

Naibalik ko tuloy ulit ang tingin kay Axel at gusto kong matawa dahil talagang nakabukaka pa siya at nakanganga habang natutulog, mukhang sarap na sarap sa puwesto. Sabagay ay komportable naman talaga sa loob ng hospital room na 'to dahil malamig at maganda ang facilities.

"Alam naman na nating lahat na kaya mo ang sarili mo, Hendrix. You're strong and skilled, walang duda, pero hindi na ngayon dahil diyan sa kalagayan mo. Kaya kailangan mo si Axel para matulungan ka in case na may umatake na naman sa'yo," paliwanag ko.

Natahimik naman siya at mukhang wala nang maisagot kaya napabuntong hininga nalang.

"I want to get out of this place as soon as possible, Mr. Si." Ibinalin niya sa'kin ang tingin at seryoso 'to.

Bigla ay nakaramdam ako ng awa para sa kanya. "Alam mong hindi pa pwede, Hendrix, kailangan mo pang pagalingin ang kamay mo." Sagot ko.

Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya nang mabanggit ko ang tungkol sa kamay niya. Wala sa sariling napatingin siya sa kanang kamay niya at muling napabuntong hininga.

"It's okay now."

"Hendrix..."

"Okay lang ang kamay ko, Mr. Si. Magaling na 'to," depensa pa niya, halatang matigas ang ulo.

"Apat na araw palang ang itinatagal mo sa ospital na 'to, at sa buong katawan mo, ang kanang kamay mo ang pinaka-nakatamo ng galos. Na-fracture 'to at kailangan mo ng matagalang pahinga, ayon ang sabi ng doktor. Huwag nang matigas ang ulo Steeven dahil baka mas lalo lang lumala ang kalagayan mo kapag nagpumilit ka pang maka-alis ng ospital." Pagpuputol ko na sa usapan para hindi na siya makaalma.

Ang kamay ni Drix ang pinaka-nasaktan sa kanya, pinagpapalo ito ng baseball bat nang ilang beses ayon sa kwento niya. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya nakalaban nang maayos sa—dahil hindi niya maisuntok nang maayos ang kanang kamay, kung nasaan ang pinaka-malakas niyang pwersa.

Nang manahimik siya ay napailing nalang ako. Kahit hindi niya sabihin ay halatang namomroblema siya sa sinapit niya. Hindi na siya pupwedeng sumali pa sa mga intense training ng Decipher Squad dahil sa kalagayan niya. At kahit tuluyan mang gumaling ang kamay niya ay mababawasan ang pwersa ng bawat atake niya.

Hindi na siya pupwedeng makipaglaban nang matindi dahil baka kapag napuruhan pa ulit ang kamay niyang may problema ay maaaring madurog na 'to nang tuluyan.

"Alam na ba niya?" tanong ko. Napalingon tuloy siya sa'kin nang bahagyang nakakunot ang noo. "Did you tell her already? About your hand?" pagkaklaro ko sa tanong ko.

Kahit hindi ko pangalanan ang tinutukoy ko ay naintindihan na niya 'yon. I'm pertaining to Sabrina.

Napayuko lang siya at pinagmasdan ang kanang kamay. "No, and I don't want her to know."

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon