Chapter 17 part 1 (More)

704 48 13
                                    

This is the first part.... Second part will be updated after 3 days, well hopefully hehe.

-------------------

Sabrina's POV

"Maduga ka Axel! Kinuha mo lahat ng power cards!"

"Haha! Swerte lang talaga ako Barnie." Natatawang sagot ni Axel habang iwinawagayway ang last card niya.

Napapikit ako sa inis dahil sa kaingayan nila. Kanina pa silang apat, ang ingay-ingay. Naglalaro na nga lang kailangang sinasabayan pa ng bibig.

Naglalaro ng Uno cards sina Barnie, Axel, Hera at Niel samantalang nagbabasa naman ako ng libro. Si Drix ay gumagawa naman ng assignment.

Tanging sila lang talaga ang maingay. Nakaka-istorbo na sila.

Nasa ganoon din kaming sitwasyon nang malakas na bumukas ang pinto

Napatingin kaming lahat doon at bumungad saamin si Stapph na ansama ng tingin.

"Aguilar!" Sigaw niya at lumapit kay Niel at tsaka namewang.

Kumunot naman ang noo ni Niel at tumingin sa paligid. "Ako ba?" Nagtataka niyang tanong.

Tinaasan siya ng isang kilay ni Stapph. "May iba pa bang Aguilar dito?" Nabubwisit niyang tanong.

Bigla namang napangiti si Niel. "Hindi mo ata kilala ang sarili mo, Mrs. Stapphennie Staneley-Aguilar."

Bigla kong naibaba ang librong binabasa ko at literal na nalaglag ang panga ko.

"Yiiiiiee!! Ang lakas mo Niel!" Asar naman nina Axel na tawa nang tawa.

Kahit si Drix ay napangisi sa banat ni Niel kay Stapph.

Ano bang kakornihan 'yan Niel?

Mababakas din kay Stapph ang gulat pero agad din siyang bumawi at piningot si Niel sa tenga at sapilitan itong pinatayo.

"A-araaay St-stapph! Masakit aray!"

"Dapat lang! Bumabanat ka pa nang ganyan matapos mong gumawa ng kalokohan! Hala sige labas!"

Binitawan na din ni Stapph ang tenga ni Niel na mukhang namula at padabog siyang lumabas ng room.

Napahimas nalang si Niel sa tenga niya at natawa.

"Tuwang tuwa ka pang nasaktan ka ah." Puna ni Hera sakanya.

"Grabe ka baby Niel, may kakornihan ka rin pala." Natatawa namang sabi ni Barnie.

Napakamot nalang si Niel sa ulo niya at inilapag ang mga cards niya at natatawang sinundan si Stapph sa labas. Pagkalabas niya ay nagmadali 'yong tatlo sa pagsilip sa cards ni Niel.

"Yare may plus 4 cards si Niel!" 

"Palitan natin mga cards natin habang wala pa siya."

Napailing nalang ako at nagbasang muli.

Kahit nabawasan na ng isa ay maingay pa rin sina Hera. Sa tingin ko ay hindi lang ako ang naiirita sakanila dahil itinigil na din ni Drix ang ginagawa niya at inis na hinihilot ang kanyang sintido.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon