Chapter 6 (Requirements)

1K 53 37
                                    




Sabrina's POV

From: Hendrix

Meet me at the fine dine 'n grill, asap.

Nang mabasa ko ang text message ay walang alinlangan ko itong dinelete.

This is torturing, hindi na dapat ako pumayag sa bet niya—no, hindi dapat ako natalo!

Inis akong tumayo at dumeretso sa sinasabi niya. That bastard, hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa choice of words niya kahapon. Be mine? What he meant was I'll be his in a way that I must follow what he wants for a day.

Shitty, right?

Nang makarating sa restaurant ay pumasok ako mula sa glass door kaya agad na tumunog ang chimes nito.

"Welcome ma'am," bungad ng mga crew.

Hindi ko na sila kayang pakitaan nang mabait dahil wala ako sa mood. Agad na lumibot ang paningin ko para hanapin ang kumag at naroon siya sa may bandang gilid, busy na kumakain ng bbq.

Lumapit ako at padabog na naupo sa harapan niya. Nag-angat naman siya ng tingin sa'kin habang ngumunguya.

"Anong kailangan mo?" I raised an eyebrow.

Hindi siya agad nagsalita pero itinuro niya lang ang mga pagkain. Noong una ay hindi ko nagets kung ano ang gusto niyang iparating pero nang maubos na ang pagkain sa bibig niya ay nagsalita siya.

"Pay for this," walang hiya niyang sabi.

"Ano?"

"Pay for this," ulit pa niya.

"Naghihirap ka na ba?" mapang-insulto kong tanong pero nginisian niya lang ako.

"Nagreklamo ba ako nang gamitin mo ang motor ko nang walang paalam?"

"That's—" Naputol ang dapat na sasabihin ko nang wala na akong maisip na sasabihin.

"And didn't you lose our bet? So therefore, you have to follow my orders for a day."

"You're annoying," masama ang tingin na nilabas ko ang wallet ko at nagtawag ng waiter para ipakita sa'kin ang bill. Agad naman akong nag-ipit ng 500 nang dumating ito.

"There, enjoy your food," nakabusangot kong sabi sabay tayo, "mabulunan ka sana," pabulong ko pang sabi.

Akmang aalis na ako nang tawagin niya akong muli.

"What?" Naiirita ko siyang nilingon.

He then tapped the untouched three pieces of barbeques with rice on his table, "eat this, this is yours."

Kumunot ang noo ko. Hindi ba niya maubos ang pagkain niya kaya binibigay niya sa'kin?

Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita, "take a seat and eat, hindi ko ginalaw 'to."

Bakit naman ako susunod sa kanya? Kakain ako kung gusto ko.

Nang hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ay natawa siya at siya naman ang tumayo.

"I won't bother you anymore, just eat what I've ordered for you." Niligpit niya ang pinagkainan niya at binigay 'to sa waiter, pagkatapos ay umalis na nga siya.

Napatitig naman ako sa walang bawas na pagkain sa mesa niya. Hindi pa ako kumakain, pero hindi ibig sabihin non na gusto ko nang kainin ang binigay niya na ako rin naman ang nagbayad. Kaso nga lang—

"Sayang," bulong ko at tsaka ako naupong muli at sinimulang kumain.

Nang matapos ang buong klase ay excited na sana akong pumunta ng ent hub. May appointment kasi ako kay Agustus, he'll teach me kendo dahil nalaman kong siya pala nagturo kay Hendrix ng martial arts. Naging interested ako sa kendo dahil hindi ko nagustuhan ang outcome ng laban nami ni Hendrix kahapon. I need to train more.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon