Chapter 55 part 2 (Caught)

509 31 5
                                    

Stapphennie's POV

Ilang sandali lang din ang tinagal namin sa may parke bago kami magpasya na bumalik na sa bahay ni Barnie.

Ang balak pa namin ay huwag munang sabihin kay Barnie ang nangyari between us and Hera, dahil gusto namin na si Hera mismo ang kumausap sa kanya nang hindi kami ang namamagitan sa kanilang dalawa. Alam din naman namin ni Niel na wala kaming magagawa para mapatawad ni Barnie si Hera. Tanging silang dalawa lang mismo ang makaka-ayos non.

Pagbalik namin ay sumalubong na agad ang mga kapatid ni Barnie at si Jieun na masayang nagsasalo-salo sa pagkain at nagkukwentuhan. Nasaan si Barnie?

Nang makita kami ni Jieun ay mukhang nagulat pa siya pero nang mapunta kay Hera ang tingin niya ay automatic na napa-irap siya.

"Ate Stapph! Kuya Niel!" Mabilis na sumalubong sa'min ang mga bata at niyakap kami. Talagang iniwan muna nila ang pagkain para lang lapitan kami.

Natatawa ko silang niyakap pabalik.

"Wow, ang kyut niyo naman. Asan ang kuya niyo?" Yumuko ako para pantayan sila.

Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay na napailing.

"We don't know also, ate. He just said na he'll bili some pagkain. That's kanina pa but he's not home yet." sagot ng babae.

Kumunot naman ang noo ko. Kanina pa siya wala?

"Okay sige, we'll just hintay him here nalang. I'm sure he's pauwi naman na already," sagot ni Niel na talagang ginaya ang pagka-conyo ng kapatid ni Barnie.

Natawa kaming lahat, nabaliw na.

Niyaya nalang kami ni Jieun kumain at sabay-sabay nga kami kumain. Dapat talaga ay hihintayin pa muna namin si Barnie para sa dinner pero hindi pa kasi siya bumabalik at baka malipasan ng gutom ang mga kapatid niya kaya nauna na kami kumain para may kasabay sila.

Si Jieun din pala ay uuwi na sa bahay niya maya-maya. Hinihintay niya lang din si Barnie para tuluyan na siyang makauwi.

Normal lang ang pagkain namin pero halata mo na may namamagitang tensyon kina Jieun at Hera. Alam kong galit pa rin si Jieun, hindi ko siya masisisi.

Nang nakabalik na si Barnie ay siya namang pagtapos ng pagkain namin.

Gulat agad ang namutawi sa mukha ni Barnie nang maabutan niya kami, lalo na nang mapatingin siya kay Hera.

Hindi ko rin maiwasang mapansin na para bang may bahid ng kaginhawaan ang itsura niya nang makita si Hera. Agad din niyang iniiwas ang tingin.

Marahan siyang napapikit at bumuntong hininga. Pero nang muli niyang idilat ang mga mata niya ay naging seryoso na ito.

"Barnie, come on, eat with us. Don't be shy, this is your house," pagyaya ni Dexter kaya natawa tuloy ang mga kapatid ni Barnie.

Kahit gusto ko mang makitawa sa biro ni Dex ay hindi ko magawa dahil nakukuha pa rin ni Barnie ang atensyon ko. Napagmasdan ko kasi ang kabuuan niya, hinihingal siya at mukhang pagod na pagod. Pawisan siya at mukhang galing sa takbuhan.

"I'm not hungry. Mauuna na ako sa taas," tipid na sagot niya at nagsimula nang maglakad paakyat.

"Barnie, akala ko ba ay may binili kang pagkain? Asan na?" tanong ko na naging dahilan ng pagkatigil niya.

Hinarap niya akong muli at hindi agad nakasagot, umikot muna ang itim ng kanyang mga mata na animong naghahanap ng maisasagot bago ako sagutin. "Uhm, naubos ko na along the way, kaya busog na ako." Muli na siyang nagpatuloy sa pag-akyat, pero bago pa siya makaakyat ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng pagsulyap niya kay Hera at ang marahang pag-buntong hininga.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon