Chapter 26 (Beginning)

657 48 9
                                    


Sabrina's POV

"Who was your first kiss?"

"Ayiiieee~" Pang-aasar na agad nila

Bigla naman akong kinabahan sa tanong ni Jieun.

Napalunok ako at nahagip ng paningin ko si Drix na deretsong nakatingin saakin habang nakangisi na talaga namang nakaka-asar.

"Oo nga Sab sino? Curious ako sa lovelife mo!" Gatong pa ni Axel.

Inirapan ko naman sila. "Porket may first kiss, may lovelife na?" Walang gana kong tanong.

Mas lalo namang lumakas ang hiyawan nila.

"Edi meron ka na nga!" Kinikilig na bulalas ni J.E.

Nanlaki naman ang mga mata ko. The eff?! Nasabi ko ba talaga 'yon?

Napapikit ako sa inis. Paano ko ba matatakasan 'to?

"Dali Sab? Sino?" Parang excited na tanong ni Stapphennie.

I just sighed. "Iinom nalang ako ng alak." Sagot ko pero tumanggi sila.

"Dapat sagutin mo ang tanong!" Pamimilit nila tuloy ay napairap ako.

Bwisit...

"Do I really have to?"

"Of course! You chose truth so you have to tell us the truth." Napapangising sagot ni Jieun.

Mas lalong lumakas ang tawanan nila kaya nainis ako.

"Sige ganito nalang. Ibahin natin nang konti 'yong tanong. Katulad ng tinanong kay Chanlei, isa ba sa atin na nandito ngayon ang first kiss mo?" Ngayon naman ay iniba ni Niel ang tanong.

"Ayiiiee!"

"Wahahaha!"

"Magkakabukingan ang may lihim na pagtitinginan!"

Napataas nalang ang kilay ko sa kung sino man ang sumigaw non. Mga adik.

Really? It's just a kiss, what's the deal?

Napabuntong hininga nalang ako. Kapag sinagot ko na ang tanong na 'to, hindi na nila ako kukulitin.

Fine!

"Y-yes." Sagot ko at napamura pa ako sa isip ko nang mag-stutter ako.

"AYOWN!"

"YIIEE!"

"HAHAHA!"

Hiyawan nila.

Napansin kong mas lumawak ang pagkakangisi ni Hendrix sa isang tabi kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin dahil sa pang-aasar niya. Bwisit siya, eh kung ihampas ko kaya sakanya 'tong bote sa harap ko?

Hindi na naman nila ako kinulit pa at nagpatuloy nalang ang laro hanggang sa lahat kami ay matawag.

Siguro 11:00pm na din kami natapos at natulog nalang din.

Nag-half bath nalang ako at bago matulog ay sumilip muna ako sa balcony.

Tanaw na tanaw mula sa puwesto ko ang beach na ngayo'y low tide na kaya kita mo sa mga buhangin ang mga bato at ibang corals na naiwan ng tubig.

Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin habang naka-tanaw sa dagat.

Kumunot naman ang noo ko nang mapansin kong may isang babae ang nasa may buhanginan at nakaupo sa pinag-upuan namin kanina sa bon fire.

Si Hera pala. Mukhang nagpapahangin mag-isa.

Lumabas din ako ng guest house para samahan siya.

Hindi niya napansin ang presensya ko nang makaupo ako sa tabi niya.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon