Chapter 24 (San Nicolas Beach Case)

644 38 9
                                    


Sabrina's POV

Nagising ako nang may kumakalabit na naman saakin.

"Sabbie~ morning na, wakey wakey!"

Dahan-dahan akong napadilat pero pumikit din ako agad dahil sa nakita ko ang pagmumukha ni Barnie.

Ang aga-aga tapos mukha niya agad ang bubungad saakin? Mas gugustuhin ko nalang na bangungutin sa pagtulog kesa magising na siya ang bungad.

"Sabbie naman eh, kanina pa kita ginigising. Bumangon ka na naman! Ikaw nalang tulog oh!"

Huh? Ako nalang?

Dahil sa pangungulit ni Barnie ay bumangon na nga ako. Wala na rin pala 'yong tatlo kong roomates dito sa kwarto. Kaya pala nage-gay talk na naman si Barnie.

"Sumunod ka nalang sa baba ah?"

Matapos non ay umalis na siya.

Naghilamos nalang ako ng mukha at nag-tooth brush at nagsuklay. Bumaba na din ako after that.

Pagbaba ko palang ay sumalubong na agad saakin ang mabangong amoy ng garlic and butter na mukhang nanggagaling sa kusina.

Naabutan ko ang SS at DS na nasa sala. May ibang nanonood at may ibang nagdadaldalan habang umiinom ng kape.

"Good morning Sab!" Bari saakin ni Stapph.

"Goodmorning!" Niel too.

"Anong good sa morning kung mukha ni Barnie agad ang bubungad saakin?" Sagot ko naman.

"Hahaha! Ang sama ni Sab!" 

Nginisian ko nalang ang turan ni Axel.

"Sabrina, may kape nga rin pala at hot chocolate sa kusina. Magtimpla ka nalang habang hindi pa luto ang agahan." Anyaya ni Arianne kaya tinanguan ko nalang siya at dumeretso nga sa kitchen.

Kailangan ko din ng pampagising.

Ngunit natigilan agad ako pagpasok sa kusina  nang makita si Drix doon na nagluluto.

He's wearing an apron at tutok na tutok siya sa niluluto niyang fried rice.

I blink twice... No, thrice actually.

Tama ba 'tong nakikita ko?

"You know how to cook?" Gulat kong tanong sakanya kaya naman nakuha ko ang atensyon niya.

Nang makita niya ang gulat sa mukha ko ay ngumisi siya.

"Impressed?" Mayabang niyang tugon kaya nag-poker face ako.

"Not really."

Pinagpatuloy ko na ang pagtimpla ng kape.

"Of course I know how to cook, I live by myself remember?" Sagot niya saakin habang nagluluto.

Paano naman ako? I live alone too but I'm bad at cooking.

Napa-iling nalang ako sa naisip.

Nang matapos akong magtimpla ng kape ay bumalik ako sa living room at nakinood din ng tv.

Nagtaka naman ako nang hindi ko makita ang dalawang heads.

"Nasaan ang heads?" Tanong ko

"Ah sila ba? Inaasikaso nila 'yong mga magiging activities natin ngayon. Kaya nga si Drix ang nagluluto eh kasi wala si Mr. Si na siyang naghahanda ng mga pagkain natin." Sagot ni Niel.

Speaking of Drix, kararating niya lang habang may dala ng isang malaking serving plate na may lamang fried rice.

"Baka gusto niyo akong tulungan at ihanda din ang mga pagkain NATIN na nasa kusina?" Sarcastic niyang pagkakasabi kaya mukhang nakaramdam naman ang iba at tinulungan siya.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon