Chapter 33 (Trinity)

673 36 41
                                    


Sabrina's POV

"Mr. Si..." Mahinang sambit ni Niel.

Samantalang nanatili lang ang mga tingin ko sa lalaking iyon—kay Mr. Si. Nandito siya, nandito rin siya. At higit sa lahat, may alam din siya sa trinity.

Biglang bumalik sa isipan ko ang gabi kung kailan namatay ang daddy ni Andrea. That time, itatakas na dapat sila nina Barnie at ang nasa plano talaga ay si Mr. Si ang magda-drive habang kami naman nila Niel ang bahala sa mga nangidnapped.

Pero sa kalagitnaan ng pagpapaamin namin sa lider ng nga dumukot kay Andrea ay bigla itong nawalan ng buhay, kasabay ng pagkawala din ng buhay ng mga kasabwat nito. Kaya sa huli, wala kami nakuhang impormasyon. Nang mga oras din na iyon ay ang 'trinity' ang pinaguusapan namin. Tumakbo naman agad ako palabas noon nang maramdaman ko ang presensya ng lalaking bumaril sa kanila mula sa labas. I tried to catch him but I couldn't, however, I still managed to shot that person before he completely escape.

After that ay pumunta kami kina Barnie, only to found out na patay na ang daddy ni Andrea at napag-alaman din namin na nawawala si Mr. Si. That's the time when Mr. Si suddenly appeared out of nowhere with a gunshot wound on his body.

Napapikit ako at napakuyom dahil sa naramdamang inis.

Hindi pa alam ni Niel ang tungkol sa pagkakabaril ko doon sa lalaking hinabol ko na pumatay sa mga kumidnap kay Andrea. Ayoko mang pagdudahan si Mr. Si, pero ngayong nandito din siya, mukhang malabo nang mangyari pa 'yon.

"What are you doing here, Mr. Si?" Napunta ang atensyon naming lahat kay Drix nang magtanong siya.

"I'm here to help you escape. Tara na bilisan na natin bago pa nila tayo mahabol," pagyaya niya at akmang sasakay na sa kotse nang mapatingin siya kay Kerwin at sa kasama ni Niel na babae.

"Who are these guys?"

None of us answered. Mukha namang nakuha niya ang ideya na ayaw namin siyang kausapin kaya ngumiti na lang siya nang mapait at sumakay na sa driver's seat.

"Tara na," huli niyang sinabi bago tuluyang sumakay sa kotse, pero hindi ako sumunod.

I feel disgusted.

"Kerwin tara na," pagyaya ko kay Kerwin at tinalikuran silang lahat.

Sinubukan naman akong pigilan ni Niel, "sandali Sabrina, hindi ka ba sasakay?" 

"May sasakyan si Kerwin. Ayon ang ginamit namin kanina." 

Isa pang dahilan, ayokong makita muna ngayon si Mr. Si, dahil baka hindi ako makapagpigil at may masabi ako na hindi niya magustuhan. Gugulo lang ang lahat.

"Ano pang hinihintay natin? Let's go!" Umirap ang babaeng kasama ni Niel at nagsimula nang maglakad papasok sa kotse pero natigilan kaming lahat nang may nasa sampung lalaki ang bigla na lang pumasok sa eksena.

Shit...

Natunton nila kami. At hindi ako nagkakamali, sila 'yong kanina, but with more company! May mga hawak silang mga bakal at ang iba ay piraso ng kahoy. Meron ding kutsilyo ang iba sa kanila.

Napapikit ako sa inis. Hindi talaga kami makakaalis sa lugar na ito nang hindi gumagamit ng dahas.

Napaatras naman kami ng konti nang magsimula sila sa pag-lapitan.

10 over 5? That's easy although mukhang medyo mahihirapan kami dahil wala kaming weapons, and we're at their territory. Gusto ko mang gamitin ang baril ko pero hindi pwede, ang tanga ko para makalimutang magdala ng silencer! Kapag nagpaputok ako ay baka makuha ko lang ang atensyon ng iba.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon