Chapter 53 part 1 (Beyond the Walls of Her Heart)

475 30 4
                                    


Sabrina's POV

"How long?" walang emosyon kong tanong.

Sabay naman silang dalawa na napatingin sa'kin.

Mr. Si diverted his gaze back on the road, I know he can't look at me in the eyes at this moment, somehow, I can sense the feeling of guilt and sympathy from him.

Magmula nang makababa ako ng kotse ni Mommy ay hindi na ako kumibo. Buong oras na nasa loob lang ako ng kotse na 'yon ay tila naubos na ang lahat ng luha ko. Wala na akong mai-iiyak pa. Noong bahagyang kumalma na ako ay doon ako bumalik kina Mr. Si at nagyaya nang umuwi.

And right now, here we are, heading our way back home.

Nang walang miski isa sa kanila ang sumagot ay muli akong nagsalita.

"How long have you known about it?" tanong ko, blanko lamang akong nakasilip sa bintana habang pinagmamasdan ang kapaligiran na nadadaanan namin.

Mahina namang napabuntong hininga si Mr. Si. "The first day? Noong araw na sabay na namatay si Stella at si Cattleya, nalaman ko na agad. Paanong hindi ko malalaman? Naririnig ko ang lahat ng nangyayari that day. Ako ang nasa kabilang linya ng communicator device ni Stella. Sa akin siya nagrereport ng status nila. Ang recording na narinig mo kanina sa cassette player, ay ang recording mula sa computer na ginamit ko noong panahon na 'yon dahil nga ako ang kausap ni Stella. Narinig ko ang lahat, narinig ko mismo ang pagkamatay ng asawa ko." Isang mapang-uyam na tawa ang pinakawalan niya matapos niyang magsalita.

Napapikit naman ako dahil sa isinagot ni Mr. Si. Kung masakit para sa'kin na malaman ang katotohanan sa pagkamatay ni Mommy, siguradong mas masakit para kay Mr. Si na mapakinggan mismo ang pagkamatay ng asawa niya that time.

Nang muli kong idilat ang mga mata ko ay tinignan ko si Sunny mula sa front mirror ng sasakyan, at naabutan ko din siyang nakatingin sa akin.

"Sunny, you knew about it too? Since when?"

Nakita ko naman ang paglambot ng mga kilay niya at tsaka siya nagsalita. "Magmula nang maging alas ako, magmula nang mamatay si Kyler," seryoso niyang sagot. Marahan niyang tinanggal ang face mask na suot niya.

"I'm not really supposed to be one of the aces, pero nang namatay si Kyler, ako ang pinalit sa kanya. In-explain sa akin ng Private Ds ang lahat lahat ng tungkol sa trinity, maging ang tungkol kina agent Cattleya at Stella."

Muli namang nagsalita si Mr. Si, "gusto mong malaman kung bakit sa inyo ni Hendrix nakapangalan ang Ent Hub, hindi ba? Simple lang ang dahilan, sa Ent Hub na 'yon madalas pumunta ang Private Ds, kasama si Edrea na mommy ni Drix. Isang firing range lang dati ang lupa na 'yon bago ito gawing ent hub ni Agustus, at katulad mo Sabrina, mahilig din ang Mommy mo bumaril, lagi niyang isinasama si Edrea sa lugar na 'yon para magsanay. Naaalala mo 'yong litrato ng mommy mo at ni Edrea sa Trapping the Ace na libro? Sa Ent Hub 'yon kinuhaan." Napangiti si Mr. Si nang parang may naalala siya.

"Marami pang litrato si Edrea at si Cattleya na magkasama, pero dahil confidential ay itinatago namin ito. Specifically, si agent Neri ang nagtatago ng lahat ng natitirang litrato nilang dalawa bilang ala-ala. I was hoping na maibibigay niya 'yon sa'yo ngayong araw. Pero sa kasamaang palad, pumanaw na si agent Neri bago mo pa makuha ang mga litrato sa kanya. Siya lang ang nakakaalam kung nasaan ang mga itinago niyang ala-ala ni Cattleya."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Mr. Si. Muli ko na naman kasing naalala ang lahat ng narinig ko kanina, at hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang sakit.

Demonyo, demonyo ka Sean Dela Vega. Kinamumuhian kong dala-dala ko pa hanggang ngayon ang apelido mo.

Nanahimik nalang ako at pumikit, hinayaan ang sarili ko na makatulog, nagbabaka-sakali na paggising ko ay mawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon