SPECIAL CHAPTER 4

358 17 4
                                    


Year 2012, 7 years before Decipher Squad was formed.

Niel's POV

"Sigurado kang ayaw mo sumali sa basketball club tryout next week, Niel?" tanong ni Daniel sa kalagitnaan ng pagnguya, ang ilang butil pa nga ng kanin ay kumakawala sa bibig niya.

Tipid lang akong ngumiti at umiling, "hindi na, ang balak ko kasing salihan na club ay science club, naka-pangako na ako kina Jessica na sasama ako sa kanila sa Science club."

"Boo, ang corny naman ng club mo, Niel. Sayang, kumpleto sana tayong grupo sa basketball club kung sasama ka," kumento naman ni Kyle.

"Pasensya na, eh nakapangako na ako kay Jessica eh, isa pa, kahit saang club naman okay ako." Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain sa lunch box kong hinanda ni lola na may lamang hotdog at itlog.

"Sabagay Niel, marami ka nga palang kaibigan sa klase natin na gusto kang makasama sa iisang club. Ang galing mo nga eh, transferee ka lang dito sa Northville University pero lahat ng classmates natin ay close mo na agad," saad naman ni Mateo na sunod-sunod ang kuha sa baon ko.

"Weh ba? Parang hindi naman," ang sabi ko nalang.

Hindi ako sangayon sa sinabi ni Mateo na lahat ay close ko na. I could say na marami na akong tinuturing na kaibigan dito sa Northville, pero may ilan din akong kaklase na hindi ko makasundo.

Mabilis na natapos sa pagkain ang mga kasama ko dahil may training pa sila para sa basketball club tryout next week.

"Bye Niel! Pasabi nalang sa next teacher natin na excuse kami nila Kyle dahil sa training para sa basketball tryout!" Nakangiting kumaway sa'kin si Daniel habang sina Kyle at Mateo naman ay tinanguan ako bilang paalam.

I waved back at them at pinanood na tuluyan silang makalabas ng canteen. Nang makaalis sila ay napakamot ako sa ulo ko nang mapagtantong hindi pala nila niligpit ang mga pinagkainan nila sa table. Narito pa rin ang mga pinggan at utensils na ginamit nilang tatlo maging ang balot ng chichirya na kinain nila.

Napailing nalang ako at niligpit 'yon para sa kanila at tinapon sa basurahan ang mga dapat itapon.

Dahil nga wala ang mga kaibigan ko, mag-isa akong bumalik sa classroom namin. Napilitan akong bilisan ang pagkain dahil mabibilis din sila kumain kaya sa tingin ko pagbalik sa classroom ay wala pa ang mga kaklase ko dahil baka kumakain pa rin sila sa canteens dito sa university.

Pero taliwas sa akala ko, pagbalik ko sa classroom ay naroon ang isang kaklase ko na si Hendrix. It's been months since I transferred in this school, marami naman na ako naging close, but I guess Hendrix's excluded. Masyado siyang tahimik at iwas sa tao kaya hindi ko siya masyado nakakausap.

Tahimik siyang nakaupo sa upuan at nagbabasa ng libro para sa next subject namin. Nag-aaral ba siya?

"Oh Drix, hindi ka bumaba sa canteen?" tanong ko nang makaupo sa upuan ko na tatlong upuan ang layo sa kanya.

Hindi naman niya ako nilingon at nagpatuloy lang sa pagbabasa pero sumagot pa rin naman, "halata namang hindi."

"Gano'n ba? Nakakain ka naman ba?" tanong ko pa dahil pansin ko na wala naman siyang lunch box na dala o kahit basura ng pinagkainan niya.

Doon lang siya natigil sa pagbabasa at tinapunan ako ng tingin. Medyo nahiya pa ako dahil ang seryoso lang ng tingin niya sa'kin, tuloy ay hindi ko alam kung nainis ko siya dahil naistorbo ko ang pagbabasa niya.

"Marami ako kumain sa umaga so I don't eat lunch," walang ngiti-ngiting sagot niya bago niya inilapag ang libro at nagsimulang mag-highlight ng kung ano-ano dito.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon