Chapter 32 (Mysterious Event)

696 43 54
                                    


A/N: Since nireveal ko kung sino yung mystery person sa Third Person's POV last chapter, may bago tayong mystery personssssss..... La lang share ko lang.

Also this chapter is dedicated to BadAssLady19 at Halohaaaah na patuloy na nagbabasa/vote at comment sa story ko. Lalo na kay BlackIcePrincess_13D na simula ata CH 1 ay nandiyan ka na, thank you talaga sainyo! napapa-aga ang update ko ahahahaha. Salamat x1000!

P.S, matagal ko na kayong gustong imention pero di gumagana, ayun pala, kailangan ko muna kayong i-follow hahahaha sorry na, ignorante lang.

So sige ang daldal ko na, basa na po~

------

Third Person's POV

Nakadungaw sa isang full sized glass window ang isang babae, hindi masyadong katandaan. Pinagmamasdan niya ang bawat paghampas ng hangin sa mga dahon ng puno--causing them to move and collide with each other.

Napangiti ang babae at nagsalita. "Nang dahil sa hangin ay nababangga ng isang dahon ang isa pang dahon. Parang mga tao lang, the wind symbolizes a conflict or a problem. Dahil sa paghampas ng isang problema sa isang tao, nagagawang banggain ng taong iyon ang kapwa niya tao. In the end, pareho silang nagkakabanggaan at nasasaktan."

Lumingon naman ang babae sa dalawa pang kasama niya sa kwarto na iyon.

Nginitian niya ang dalawa bago dumako ang tingin niya sa table kung saan nakahilerang nakalagay ang labing apat na litrato.

Litrato ng mga miyembro ng Special Section at Decipher Squad....

Mahina namang tumawa ang isang lalaki na nakadekwatro sa isang upuan habang umiinom ng alak.

"Gutom lang po ata 'yan." Paggagatong niya sa mga matatalinhagang mungkahi ng babae.

"Ano na nga pala ang sunod na plano?" Tanong naman ngayon ng isa pang lalaki na naninigarilyo naman sa kabilang parte ng kwarto na iyon.

"Ganoon pa rin." Normal na sagot ng babae.

Natigil lang sila sa pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isa na namang panauhin na may matatalim na tingin.

Ang mga mata niya ay sadyang malalamig at madidilim. Walang emosyon at animo'y wala na ring buhay dahil sa pagiging blanko ng mga ito.

Ang atensyon ng tatlong tao na nasa kwartong iyon ay napunta sa bagong dating, lalo na nang dahan-dahan itong naglakad papunta sa mesa kung nasaan ang mga litrato ng dalawang Special Section.

"We miscalculated something..." Saad niya habang pinagmamasdan ang mga litrato.

"What do you mean?" Tanong naman ng lalaki na naninigarilyo.

Inilipat niya ang tingin dito. "May nalaman ako. At dahil doon ay tiyak na magkakaroon ng gulo." Walang emosyon niyang sagot kaya mas lalo namang naguluhan ang tatlong kasama niya sa kwartong iyon.

"We need to make a new plan."

Sabrina's POV

Lumipas ang ilang araw. Mahigit isa't kalahating linggo na ang nakalilipas magmula nang mailibing ang parents ni Barnie, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pumapasok.

But we understand him.

Siya na ang tumatayong nanay at tatay ng mga kapatid niya ngayon. Lumipat na rin sila ng bahay at binenta ang luma. Their aunts and uncles also helped them get their new house. May mga bodyguards din sila at maids.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon