EPILOGUE

903 49 45
                                    


E P I L O G U E

Sabrina's POV

"BWAHAHA, Sabrina ako lang 'to oh, Si Axel lang 'to na top 6 sa buong special section class!"

Muli akong napa-irap sa pang-aasar ni Axel.

Kanina pa niya kasi pinagmamayabang sa'kin ang rank niya out of the 14 students ng Special Section. Siya ang pang-anim, samantalang ako naman ay pang—tsk, it doesn't matter.

"Omg, Axel ang matured, ha," natatawang singit ni Stapph nang mapagtanto kung ano ang kanina pa pinagmamayabang ni Axel.

Kung hindi lang namin graduation ngayon at kung wala lang tao sa paligid ay kanina ko pa pinatahimik ang hudas na bibig ng Ventura na 'yan.

"Pang-anim ka lang, that's not a big deal anyway," naaasar kong saad.

"At pang-thirteen ka Sabrina, aba hindi talaga big deal 'yon!" Muli siyang natawa.

Lakas talaga ng trip nito, napaka-isip bata.

"Oh, ito piso, hanap ka kausap mo," sabi ko nalang para matigil na siya.

Tawa lang naman nang tawa sina Niel at Stapph sa'min.

Hindi naman talaga big deal sa akin ang rank ko. Our ranking goes as:

1. Jaxx

2. Farrah

3. Niel

4. Dexter

5. Hendrix

6. Axel

7. Arianne

8. Jieun

9. Chanlei

10. Stapph

11. J.E

12. Barnie

13. Sabrina

14. Hera

Kami ni Hera ang nasa dulo dahil kami ang laging wala sa klase at malamang naapektuhan ng attendance namin ang performance namin.

Kanina naganap ang graduation at tapos na ngayon ang program. Ngunit hindi pa nag-aalisan ang karamihan sa mga estudyante dahil hindi pa sila tapos magkuhanan ng litrato kasama ang mga pamilya nila.

Niel is with his parents and grandmother today. Mommy naman ni Stapph ang kasama niya. Barnie has his tita and his two siblings. Kay Axel naman ay ang magulang niya at ang nakababata niyang kapatid na babae. Sina Mr. Stone at Phoenyx naman ang kasama ni Drix.

Lahat sila ay busy ngayon kasa-kasama ang mga pamilya nila. Masaya silang nagkukuhaan ng litrato para sa isang espesyal na araw kagaya nito.

Napangiti ako nang pagmasdan ko sila.

Tumigil na rin si Axel sa pang-aasar sa akin dahil tinawag siya ng parents niya para sa picture taking daw.

Umupo nalang ako sa bench sa gilid at tinabihan si Hera, na katulad ko ay wala ring dalang pamilya o kahit na sino to accompany us today.

Napangiti na agad siya nang makita ako para itago ang namumuong lungkot sa mga mata niya.

She can't hide her feelings from me anyway.

"You look sad," pagpuna ko.

Natawa naman siya at nailing, "of course, I am, medyo lang naman. Never pa kasing may pumunta sa graduation ko eh."

Somehow that shocked me, "never? Kahit noong elementary graduation? Pre-school?"

Marahan siyang tumango.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon