Chapter 42 (Broken Apart)

463 33 12
                                    


Sabrina's POV

Kahit gaano man namin pilitin na ibalik sa normal ang lahat, at umakto na parang walang nangyari, hindi namin kaya. Mukhang hindi na talaga mababalik sa normal ang lahat.

We lose a very dear friend, hindi ko na alam kung hanggang kailan kami magluluksa para sa kanya.

At nang maalala ko ang sinabi sa akin ng misteryosong babaeng naka-hood at mask ay napangiti nalang ako.

"Sinasabi nila na time heals, pero para sa akin, acceptance heals, because time is indefinite."

She's right, kailan ko naman kaya matatanggap ang pagkawala ni Agustus? Weeks? Months? Years?

I don't know anymore.

Matapos ng ilang metrong paglalakad sa campus ay narating ko na rin ang classroom namin.

Automatic na din na napatingin silang lahat sa akin nang pumasok ako at nang makita nila ako ay tipid lang na ngumiti sa akin si Niel.

Nginitian ko din naman siya pabalik.

Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto at napansing kong sa aming lahat, si Drix nalang ang kulang.

I sighed, maintindihan ko kung liliban muna siya sa araw na 'to.

Katulad dati, tahimik lang ako sa upuan ko at malalim na nag-iisip. Ang nakakapanibago lang, ay sila...

Tahimik lang din sila, hindi tulad noon na nagdadaldalan at naghaharutan sina Barnie, Axel, Niel, Stapph at Hera.

Ilang minuto din kaming nanatili doon na walang imikan sa isa't isa.

Naputol lang ang katahimikan sa kwartong ito nang dumating si Drix.

Dumeretso siya sa harapan naming lahat kaya nagtaka kami.

Hindi rin siya naka-uniform at naka-civilian lang. Blanko siyang tumingin sa aming lahat at nang magtama ang mga mata namin ay wala pa rin akong nakitang emosyon mula dito.

What's happening?

"Drix? Anong meron? Bakit hindi ka naka-uniform?" nagtatakang tanong ni Niel.

Hindi ko naman inalis ang tingin Hendrix dahil naninibago pa rin ako sa inaasal niya. Parang may bumabagabag sa kanya.

"Absent ako ngayong araw, nandito lang ako para sabihin na," Bahagya pa siyang natigilan dahil mukhang hindi niya alam kung itutuloy pa ba niya ang pagsasalita.

Nanatili naman akong tahimik at naghihintay lang sa susunod niyang sasabihin.

"I want to quit, let's just end it here Decipher Squad... let's disband."

Parang bigla namang nagpintig ang tenga ko sa narinig, bumilis din ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

What?

Tama ba ang narinig ko? Gusto na niyang tapusin ang Decipher Squad?

"D-Drix, nagbibiro ka lang diba?" Sinubukang tumawa ni Axel pero natigil siya nang seryoso lang na umiling Drix.

So, he's really serious.

Wala sa sariling napatayo si Niel, "Hendrix, bakit bigla mong naisip 'yan? Nagpapatawa ka ba? Bakit natin bubuwagin ang Decipher Squad?" nagtataka at may bahid ng inis na tanong niya.

Marahan namang napangisi si Drix at yumuko, "May mapapala ba tayo kapag nagpatuloy ang Decipher Squad? Mas mapapahamak lang tayo, so it's better to just end this nonsense," Seryoso at deretso niyang sagot.

Hindi ko maiwasang mapansin na may higit pa siyang dahilan kung bakit niya nasasabi ang mga 'to ngayon.

"Wait, sinasabi mo ba na kalokohan lang ang Decipher Squad?" Niel scoffed.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon