Chapter 20 (Case Solved)

646 45 10
                                    


Axel's POV

Nang dumating ang ambulansya ay sumama din kami nina Stapph at Barnie. Si Hera ay nagpaiwan dahil may sasabihin daw siya kay Niel.

Habang sinusubukan ng mga nurses na iligtas ang babaeng nabiktima ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam pero ang sama ng pakiramdam ko. Hindi naman ako ang killer pero nagi-guilty ako. Kami ang nakaka-alam sa kasong ito pero still, hindi namin siya nailigtas.

"G-guys, tinawagan ko na ang parents niya at papunta na rin daw sila sa ospital. K-kilala niyo ba kung sino siya?" Biglang tanong ni Stapph at parang namumutla pa siya nang sabihin niya 'yan.

"Sino?"

"Mary Rose Dela Rosa."

Kumunot ang noo ko. "Isa rin siyang Mary, bakit hindi man lang niya pinaalam saatin ang natanggap niyang message?"

Bigla namang sumingit si Barnie. "Axel, wala din siya dito sa group chat. Walang Mary Rose dito." Singit ni Barnie na tinignan ang group chat.

Umiling naman si Stapph. "Maeri Rose ang pangalan niya. M-A-E-R-I, Maeri. Kaya hindi talaga natin siya na-contact dahil kakaiba ang spelling ng pangalan niya at hindi siya naisali sa group chat.."

W-what??

Napayuko nalang ako sa narinig.

Naiinis ako.

Ilang saglit pa ay nakarating na din kami sa ospital. Mabilis na kumilos ang mga doctor at inasikaso si Maeri Rose. Inoperahan din nila ito agad para maagapan dahil marami na rin ang dugong nawala sakanya.

Habang kaming tatlo naman ni Stapph at Barnie ay kinakabahan na nakaupo sa labas ng Operation Room.

Hindi siya pwedeng mamatay. Sino ba kasi ang may kagagawan ng mga ito?

Ni-recall ko ang lahat ng mga clues.

So, ang rosas na natatanggap namin ay clue sa pangalawang pangalan ni Maeri na 'rose'.

Ang mga lugar ay clue sa lugar kung saan niya papatayin si Maeri. Ang flower pot ay clue na babagsakan niya si Maeri ng flower pot mula sa rooftop.

Pero may mystery pa rin eh. Paano na-hack ang account ni Tim? Hindi kaya ang killer talaga ay 'yong tao na gumamit ng PC sa library after Tim? Si Justin?

"Guys tumawag si Hera. Kilala na daw niya kung sino ang may gawa nito." Biglang singit na anunsyo ni Stapph sa pagitan ng pag iisip ko.

"Sa tingin ko ay kilala ko na rin." Ngayon naman ay si Barnie na ang nagsalita.

"At pinababalik na tayo nila Niel sa school. Hintayin nalang natin ang parents ni Maeri at tsaka tayo bumalik." Suhesyon ni Stapph

Sabrina's POV

Hinintay namin na makabalik ang iba bago kami nagsimulang mag-usap-usap.

"Kamusta na siya?" Nag-aalalang tanong ni Niel.

Napabuntong hininga naman si Axel. "Hindi pa namin alam. Inooperahan pa siya nang maka-alis kami."

"Sige. Sa ngayon, asikasuhin muna natin ang suspect. Wala kaming naabutan ni Sab at Drix sa rooftop kanina. Mukhang naka-takas na ito. Pero kilala na ni Sabrina kung sino ito." Panimula ni Niel.

"Kilala ko na rin." Si Hera.

"Ako rin." Si Barnie.

Napatango naman si Niel. "Sige, sino sa tingin mo Hera?"

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon