Chapter 34 (One Step Closer)

684 41 29
                                    


Sabrina's POV

"Hindi, hindi! Yaya gumising ka! Wake up please!"

D-dugo, she's covered with blood.

"Yaya!"

"H-Heiress..."

"Dadalhin kita sa ospital yaya, just stay with me. G-gagamutin ka nila doon"

"Heiress wag na. M-Mas mapapahamak ka lang. U-m-malis k-ka na—"

"Pero"

"De-delikado pa d-dito. S-sige na!"

Sunod-sunod akong umiling.

"Wala na siya yaya. W-Wala nang mananakit saatin."

She smiled at me. For the last time she did.

"P-proud ako sa-yo. Alam kong l-lalaki kang mabuti. Huwag" Sa bawat pagbitiw niya ng salita ay mas lalo siyang nahihirapan huminga. "H-huwag mong hayaang m-ma-makuha..."

"Y-yaya?"

Bakit hindi na siya humihinga? B-bakit bigla siyang

"N-no, no!"

Sinubukan kong yugyugin siya para magising siya pero hindi na siya humihinga.

Nanginginig kong inilibot ang tingin sa paligid ng madilim na kwartong ito, kung saan napuno na ng dugo at karahasan ang sahig.

Hindi ko alam kung bakit sobra akong umiiyak. Dahil ba sa ito na ang huling pagkakataon na makakasama ko ang pangalawa kong ina? Dahil ba sa takot? O dahil ba sa

Kinakabahan akong sumulyap sa lalaking nakamaskara na wala ng buhay ngayon na nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sarili niyang dugo.

O dahil ba sa katotohanangI just killed someone?

Habol hininga akong bumangon sa kama. What's this?

Wala sa sariling napahawak ako sa mukha ko nang makaramdam ng basang bagay doon. I'm crying?

Napabuntong hininga ako.

"Bakit ko na naman napanaginipan ang araw na 'yon?" Bulong ko sa sarili at mapait na napangiti.

It's been so long since the last time I've been hunted down by that piece of memory. Akala ko ay nakalimutan ko na, pero mukhang hindi ko na talaga ata matatakasan ang lahat ng nangyari.

That's the first. The first time that I fired a real gun. The first time that I've hurt someone, and eventually end up killing that someone.

Hindi ko alam kung masamang tao na ba ako dahil sa nagawa kong iyon. Considering na sobrang bata ko pa noong mangyari 'yon. But it's that guy's fault, pinatay niya si yaya Meli.

Si yaya Meli ang pangalawa kong ina. Simula pagkabata ay siya na ang nag-alaga sa akin.

I just did that to save the both of us, dahil kung hindi ay baka ako naman ang patayin niya.

"Pero sa huli, sarili ko lang ang nailigtas ko." Napayuko ako sa sarili kong sinabi.

Ngayong naalala ko, isa nga pala 'yon sa dahilan kung bakit ako pinag-aral ng martial arts ng senator. After that scene, dumating ang senator sa kinaroroonan namin at nilinis ng mga tauhan niya ang lugar.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon