Chapter 47 (Trapping the Ace)

812 40 33
                                    


Sabrina's POV

Hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ni Mr. Si at Mr. Ocampo, na may kailangan akong hanapin na mga litrato na konektado sa nakaraan ni Mommy, at kapag nahanap ko ang mga litrato na 'yon, tsaka lang nila ikukwento ang lahat sa akin.

Well, 4 days have passed, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan hahanapin ang mga litrato na sinasabi nila.

Ni hindi man lang nila ako binigyan ng clue!

Also, sa loob ng apat na araw na 'yon, napapansin ko na may mga tao nga na nakasunod sa akin. Magmula sa pagpasok ko sa school, hanggang sa pag-uwi ko. Nararamdaman ko ang presensya nila.

May kutob na agad ako na mga tauhan iyon ni Mr. V, pero nakakapagtaka na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila umaatake. Nagmamasid lang sila pero hindi nila ako inaatake. I find it, strange.

O baka naman humahanap lang sila ng tamang tiyempo para atakihin ako?

Wala sa sariling tumayo nalang ako at inayos ang bag ko nang tumunog na ang bell. Ibig sabihin ay tapos na ang klase.

"Okay Decipher Squad, class dismissed." Inayos na din ng substitute teacher namin ang mga gamit niya bago siya tuluyang lumabas na ng room.

"Wala na naman si Madame Principal? Saan na naman kaya nagpupupunta 'yon?" biglang singit na tanong ni Axel kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

Tama naman siya, supposed to be kasi ay si Madame ang last subject teacher namin, pero simula nang mabalik ang Decipher Squad ay hindi pa rin niya kami sinisipot sa mga klase namin sa kanya. Bakit kaya siya missing in action?

"Hmmm, baka naman busy lang, you know, siya pa rin ang principal," paghuhula naman ni Stapph.

"Saan naman kaya siya busy? Sa school work, o sa ibang bagay?" may pinapahiwatig na tanong ni Barnie kaya napangisi kami.

"Shush, alam naman na natin na ayon nga ang pinagkaka-abalahan ngayon ng Triple M, just don't mention it. Nasa campus pa tayo, baka may ibang makarinig." Natahimik nalang kami sa pagsita ni Niel, tama naman siya.

Speaking of Triple M, alam naman na namin na ang dahilan ng pagiging busy nila ay dahil gumagawa na sila ng mga bagong plano para sa mga susunod na misyon laban sa trinity. Kaya nga lang, hindi namin alam kung kasali kami sa mga misyon na 'yon dahil wala pa rin naman silang sinasabi sa amin.

Kasalukuyan kong inaayos ang bag ko nang humikab si Hera. "Haaay, nakaka-miss din pala magkaroon ng cases na sinosolve ano? Kailan kaya ang sunod?"

"Oo nga, nakaka-miss nga mag-solve ng case. Nakakamiss maging in action ang Decipher Squad," gatong din ni Niel.

"Eh, wala tayong magagawa, wala pang case o misyon na binibigay sa atin ang Triple M eh," kumento din ni Barnie.

Tahimik lang ako sa isang tabi at hinahayaan silang mag-usap.

"Haha, paano naman nila tayo bibigyan ng cases at missions kung may hindi pa okay sa atin?"

Natigilan ako sa ginagawa nang banggitin 'yon ni Axel. Mukhang pati sila ay natigilan din sa narinig.

Hindi ko sila nilingon pero nakiramdam ako sa mga pinag-uusapan nila. Alam kong sinasadya nilang magparinig sa aming dalawa ni Drix dahil talagang ang lalakas ng mga boses nila habang nag-uusap.

"Kailan naman kaya sila magkaka-ayos? Nakoo! Gusto ko nang magbati na sila para wala nang awkwardness," pagpaparinig pa ni Barnie.

"Oo nga, parang ako ang naiipit sa tuwing hindi sila nagpapansinan eh," pagsali pa ni Hera kaya napa-irap nalang ako sa ginagawa nila.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon