Chapter 43 (Not You Too)

487 30 22
                                    




Sabrina's POV

Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang mga nalaman ko kahapon.

Alam ko na naman na kasali sa trinity ang mafia ng senator, pero hindi ko matanggap na sa tatlong mafia na kasali doon ay ang Ortelius pa ang kanya.

Bakit Ortelius pa?

Ang Ortelius ang pumatay sa mommy ni Hendrix.

Kinikilabutan ako sa tuwing maiisip ko 'yon. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Hendrix 'yon, ni hindi ko nga alam kung gusto ko bang sabihin sa kanya.

Natatakot akong malaman niya.

And speaking of him, natigilan ako sa paglalakad nang matanaw ko siya na naglalakad sa hindi kalayuan. Nasa gitna siya ng hallway at mukhang papasok na ng classroom niya sa regular class.

He's here, pumasok siya, sawakas ay pumasok na siya.

Sa ilang araw na nabuwag ang Decipher Squad, sinasabi ni Axel na laging absent si Drix. Ang hula namin ay masyado pa siyang nagdadalamhati sa pagkawala ni Agustus.

At hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi na namin alam kung saan siya nagpupupunta o kung ano ba ang mga pinaggagawa niya these past few days.

Nang magkatinginan kami ay natigilan din siya sa paglalakad. And the moment our eyes met shocked me.

Wala siyang naging emosyon nang magkatinginan kami pero hindi siya nagpatuloy sa paglalakad, na para bang hinahantay niya lang kung lalapit ba ako sa kanya o hindi.

And I did, lumapit ako sa kanya kahit nakakaramdam na ako ng bahagyang guilt dahil sa mga nalaman ko.

"Hey," bati ko.

Tipid naman siyang ngumiti, "Hey..."

"How have you been?" pangangamusta ko. Well, I don't really know how to start a conversation with him. This feels weird.

Napangisi naman siya at marahang natawa, "I know where this is going, Sabrina. I told you already, my decision is final, hindi na ako babalik sa Decipher Squad," pagtatapos niya agad sa uumpisahan ko palang sana na topic.

Bahagyang napayuko nalang ako.

"Wala pa nga akong sinasabi," bulong ko na mukhang narinig din niya.

He just weakly chuckled at marahang pinitik ang noo ko, "Sige na, bumalik ka na sa classroom niyo, don't be late," sermon niya kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Are you sure you, don't want to talk about it?" Ni hindi ko mahimigan ng lakas ang boses ko, ganyan ako nag-aalangan sa pakikipag-usap sa kanya ngayon.

Marahang umiling naman siya bago niya isenyas sa akin na magtungo na ako sa classroom. After that ay tuluyan na niya akong talikuran at nagpatuloy sa paglalakad.

I tried calling him but he didn't look back.

I just sighed again.

Ano ba talaga ang problema, Drix?

Nagtungo na nga lang din ako sa classroom at walang ganang tinapos ang lahat ng klase ko.

Hindi ko rin maipagkakaila na nakaka-miss ang Decipher Squad at ang daily routine mo kapag nasa special section ka.

Noon ay masyadong maraming thrill ang pwedeng mangyari. Kaliwa't kanan ang mga case na isosolve. Puno ng nakaka-excite na mysteries ang sasalubong sa'yo kahit na madalas ay delikado.

Hindi ngayon na school-bahay lang ang routine ko.

Pauwi na sana ako nang bigla naman akong makatanggap ng tawag.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon