Chapter 23 (San Nicolas Beach)

675 48 6
                                    


Stapphennie's POV

Linggo palang ngayon pero soooobbrrraaa na akong na-eexcite para sa pupuntahan namin bukas. In fact, noong Friday palang ay naka-impake na ako.

Nag-spray na ako ng pabango tapos ay lumabas na ng kwarto ko at bumaba para magpaalam kay Mommy.

Naabutan ko siyang nanonood ng tv at ng balita.

Binabalita na naman si senator Dela Vega bilang nangunguna sa mga kakandidato sa pagiging senador na siyang may pinakamataas na ratings when it comes to people's trust.

No wonder, siya na nga ang mag-nunumber one sa botohan next next week.

Napaisip naman ako. Kung busy ang senator ngayon, baka maging busy na din si Sabrina at may chance pa na hindi makapunta si Sab bukas dahil baka pagbawalan siya ng senator.

Nakoo 'wag naman sana.

Lumapit na ako kay mommy at nagpaalam sakanya.

"Mommy mag-gogrocery lang po kami ng mga kaibigan ko. Kasama ko po si Niel."

"Ganoon ba? Sige, magpahatid ka kay Niel pauwi ah. Ingat!"

Hinalikan ko na si Mommy sa pisngi at tuluyan nang lumabas.

Ngayon na kasi kami mamimili ng mga kakainin at mga kakailanganin namin sa trip bukas. Kasama ko si Niel, Axel at Barnie.

Si Hera daw kasi ay busy tapos si Drix ay ayaw sumama, si Sab naman ay hindi ma-contact.

Sayang nga eh.

Nagpahatid nalang ako sa taxi papunta sa supermarket.

Naabutan ko na doon si Niel, Axel at Barnie. Mukhang ako nalang pala hinihintay nila.

Pumasok na kami sa loob at namili.

Kung-ano-ano ang pinagkukuha namin, lalo na si Axel. Andami niyang binili, 'yong iba pala doon ay para sa mga larong magaganap, hindi ba't siya ang organizer?

"Guys, alam niyo ba kung ano ang favorite snacks nila Hera? Para mabilhan din natin sila." Tanong ni Barnie.

"Si Hera? Hindi ako sure eh pero lagi ko siya nakikitang kumakain ng marshmallows." Sagot ko.

"Oki! Edi kukuha rin tayo ng mallows for Hera." Si Barnie.

"Si Drix mahilig sa chips na BBQ ang flavor. Mahilig din siya sa mga chocolate bars." Sagot din ni Niel.

"Oki! Chips and chocolate bars for honeypie. Eh kay Sabbie?"

Nagkatinginan naman kaming lahat at mukhang naghahanap ng sagot.

Meron ba siyang favorite food? Kahit ano?

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang wala miski isa saamin ang nakaka-alam ng favorite ni Sab.

"Bilhan nalang natin siya ng kahit ano at siya na ang bahala pumili." Suhesyon ni Axel.

"Yeah, let's do that." Pagsang-ayon ko.

J.E's POV

Nandito ako ngayon sa supermarket kasama si Arianne at Dexter. Mamimili na kasi kami ng mga pangbaon para bukas.

"Kuya Dex, ano sabi ni Jaxx? Susunod daw ba sila dito?" Tanong ni Arianne kay Sipoon Lee.

Umiling naman si Dex. "Nope."

"Sayang naman. Edi ibibili nalang din natin sila ng pagkain?" 

"Ari, nakabili na ata sila Jieun at Farrah kahapon eh. Si Chanlei at Jaxx nalang ibibili natin." Singit ko naman.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon