Chapter 13 (New Case)

948 50 10
                                    



Barnie's POV

Mahigit isang linggo na ang lumipas magmula nang maging official Special Section kami, maybe it's a bit early for me to say this pero nag-eenjoy ako. It felt like an accomplishment, something I must be proud of. Ni minsan ay hindi ko inimagine na makukuha ko ang titulo bilang isa sa mga tumatayong center at image ng school.

Kapag naaalala ko kung paano ko pinagtawanan sila Niel nang yayain akong sumali dito ay parang nahihiya ako. I never should've doubted them.

"Guys, guys, na-check niyo ba 'yong Hendrim Academy Official site?" Ang lahat ay napalingon kay Hera na siyang kapapasok lamang ng room at mukhang excited na lumapit sa amin.

Ang aga-aga pero ang hyper na agad ng babaeng 'to, ano kayang meron?

"I just happened to hear from the students gossiping on the corridor, na-mention nila ang grupo natin habang nagbo-browse sila sa official site ng school." Inilapag niya ang bag sa upuan at dali-daling kinuha ang cellphone niya at nagsimula nang magtipa dito.

"Base sa pagkakarinig ko ay nakapaskil daw sa site ang profiles natin, bilang pagkilala sa'tin as a new group under the SS program," dagdag niya na may kasama pang pag-giggle.

Automatikong nagsipaglabasan din tuloy kami ng cellphone para i-check ang sinasabi niya, all of us except Hendrix na kanina pa busy sa cellphone at mukhang naglalaro ng Call of Duty.

Gaya ng sinabi ni Hera, nagtungo nga ako sa HAO site, then I clicked the section named as 'Hendrim's Pride—the Special Section Program.' Matagal nang parte 'to ng site pero dalawang beses ko palang ata na-browse ang content nito noong first year ako nang ma-intriga ako sa members ng Special Section. Pinagtatalunan kasi noon ng mga classmates ko kung sino daw ang pinakagwapo sa Special Section, so I checked to see it for myself. I remember ranking Chanlei as the most handsome, followed by Dexter, then Jaxx.

Pero ngayon, hindi ko lubos akalain na mapapabilang na din dito ngayon ang litrato't pangalan ko.

Malakas akong napahalakhak nang mabasa ang napakaganda kong pangalan. Naroon maging ang edad, birthday, maging ang ilang academic excellence records ko magmula nang mag-aral ako dito sa Hendrim.

"Dad, Mom, sikat na ang anak niyo!" natutuwa ko pang aniya.

"Natutuwa ka pa Barnie eh tignan mo nga 'yang picture na nakalagay sa'yo, parang bagong gising lang ah? Hindi pa pantay buka ng mga mata mo," sagot naman agad ni Axel na hindi na yata mauubusan ng pang-aasar sa katawan.

Nagtawanan sila Niel sa narinig tuloy ay inirapan ko si Axel, langyang 'to. Para makaganti ay ang litrato naman niya ang pinuna ko.

"Lakas mo magsalita diyan Axel, eh 'yong picture mo, anong nangyari sa'yo diyan? Parang bagong hithit lang ng drugs ah, payat na payat tayo 'pre?" hindi magpapatalo kong retort.

Mas bumenta ang joke ko kina Niel kaya ngayo'y tawa na sila nang tawa, siguro ay dahil sang-ayon sila sa sinabi ko. Ang payat naman kasi talaga ni Axel sa picture, mukhang sobrang luma na ng picture, bakit iyon pa ang nilagay sa site?

Imbes na mainis ay tumawa nalang din si Axel at naghanap ng ibang maaasar kagaya ni Niel na mukha daw isang taong walang tulog, o ni Hera na para daw estatwa, at ni Stapph na mukha daw espasol sa sobrang puti ng mukha.

Sinubukan din naming asarin si Hendrix pero wala kaming maasar sa itsura niya, unfair. Si Sabrina naman ay hindi pa pumapasok kaya hindi pa namin siya maasar.

Speaking of her, sakto na muling bumukas ang pinto at dere-deretsong pumasok si Sabbie at nagtungo sa upuan niya. Akmang aasarin ko na siya kaya lang dinukdok niya agad ang ulo sa desk at natulog.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon