SPECIAL CHAPTER 5

111 7 1
                                    


Trigger Warning, reader discretion is advised

Hera's POV

"Kuya, please let me out, kuya Benedict!" Pinagkakalampag ng batang bersyon ng sarili ko ang pintuan ng sasakyan kung saan ako kinulong ni kuya Benedict. Tears kept on flowing from my eyes.

"Kuya, kuya! Please don't leave me here, I'm sorry! Sorry po!" Mas lalong lumakas ang iyak ko nang makita ang walang reaksyong mukha ni kuya Ben habang pinapanood lang ang pagmamakaawa ko.

Nakapamulsa siya sa pants ng uniform na suot at pinapanood ako, blanko ang mukha niya pero matinding pagka-disgusto ang nakikita ko sa mga mata niya.

I'm scared, I'm scared to be alone in this small space. Sana iligtas ako ni kuya sa kalagayang 'to.

Nagpatuloy ako sa pagkalampag ng pinto at sa paghingi ng tulong, pero sa ginagawa ko ay lalo ko lang nararamdaman ang init, dahil na rin sa nakasuot pa rin ako ng elementary uniform kaya makapal ang suot ko.

I kept on calling for kuya Ben's name pero hindi niya ako pinapansin, at nang mapagod na siya sa panonood sa akin ay iniwan niya ako sa loob ng nakapatay na sasakyan, na nakaparada sa back garden ng mansyon.

Mas lalong lumakas ang  pagmamakaawa ko na palabasin na niya ako, pero parang wala siyang naririnig.

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak mag-isa, ngunit hindi nakatulong ang pag-iyak at pagsigaw ko dahil mas lalo ko lang pinapa-init ang loob ng sasakyan.

Kuya Ben locked me inside this car dahil nagalit siya nang aksidenteng matawag ko siyang kuya sa harap ng mga kaibigan niya sa school, kabilin-bilinan niya na huwag ko siyang tawaging kuya, lalo na sa harap ng ibang tao. Kaya as a punishment, he left me here alone inside the family's service car.

Nagsorry naman ako sa kanya nang paulit-ulit, pero gusto niya ay patunayan ko na sincere ako, kung makakaya ko daw na tiisin na makulong dito for 2 hours, patatawarin niya ako.

Iniwan naman niyang may kaunting siwang ang bintana para kahit papaano ay makahinga ako, pero—

I looked at the sun, kasabay nito ang pagpupunas ko ng pawis gamit ang blouse ng uniform kong suot.

It's so hot, it's so hot in here! Ayoko dito, ayoko nito, please help me.

"Kuya! Daddy! Mommy! Please help me! Tulungan niyo po ako!"

I cried and cried, unti-unti din ay parang mas nadadagdagan ang init, mas nababasa ako ng pawis, at nahihirapan akong huminga.

Ang init! H-Hindi ako makahinga!

Maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagliyab ang upuan na inuupuan ko, hanggang sa kumalat ang apoy mula sa driver's seat, at sa katabi nito.

I cried and shouted at the top of my lungs, it's burning! I-I'm burning!

"Help me!"

Nagsunod-sunod ang pag-ubo ko, I feel like dying.

Hindi humupa ang apoy, sa katunayan ay mas lumakas pa ito, hanggang sa ang buong sasakyan na ang nagliliyab, the car is engulfed by huge fire!

Gawa siguro ng kagustuhan na makatakas, buong lakas kong pinihit ang knob ng kotse, and to my surprise, it's unlocked all along. Hindi na ako nagsayang ng oras at binuksan ang pinto ng kotse at lumabas para kumuha ng hangin. Halos masubsob pa ako sa paglabas.

Sunod-sunod ang naging pag-ubo at paghahabol ko ng hinginga, pero ang lahat ng iyon ay natigilan nang makarinig ako ng isang pamilyar na iyak, isa itong hagulgol ng isang taong kilalang-kilala at malapit sa akin.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon