Chapter 15 (Sunny Helldrim)

862 50 16
                                    


~Answer the riddle at the end~

Sabrina's POV

I have always regarded myself as slightly competitive whenever it comes to a challenge or a match, pero hindi ko in-expect na pati sa pagsagot ng riddles ay machachallenge ako nang ganito.

"Next riddle, Samuel was out for a walk when it started to rain. He did not have an umbrella and he wasn't wearing a hat. His clothes were soaked, yet not a single hair on his head got wet. How could this happen?" muli ay tanong ni Mr. Si na siyang prenteng naka-upo sa front seat ng van na sinasakyan namin.

Agad ko namang inintindi 'yong riddle.

"Ahh alam ko sagot dito! Barnie!" excited na bulalas ni Barnie habang nakataas pa ang kamay.

"Okay, you may answer, Barnie," walang lingon-lingon din na pagtawag sa kanya ni Mr. Si.

"Umulan at walang payong si Samuel, basa ang damit niya pero walang buhok ang nabasa sa ulo niya, iyon ay dahil kalbo siya, Samuel is bald," proud pang sagot ni Barnie.

Upon hearing his answer, the rest of us grunted in a grumble. Paano ba naman kasi, ang dali-dali lang ng sagot sa riddle pero naunahan pa rin kami ni Barnie.

Paano nga ba kami nauwi sa tanungan ng riddles? Ang alam ko lang ay tahimik lang kaming naka-upo kanina dito sa van habang patungo kami ngayon sa mansyon ni director Helldrim. Bigla-bigla nalang habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay chinallenge kami ni Mr. Si sa mga riddles. He reasoned out na noong nakaraang nagtanungan sila ng riddles ay absent ako so hindi ako nakasali, so ngayon ay kummpleto na kami and he wants to test our thinking skills.

Magsasabi siya ng riddles, kapag gusto namin sumagot, sasabihin namin ang pangalan namin, ang unang pangalan na maririnig ni Mr. Si ang siyang tatawagin niya para magsagot. The person who will answer the most will be exempted from his examination.

Wala naman sana akong pakielam kung ma-exempt man ako sa exam o hindi, pero ayokong magmukhang walang alam sa bawat riddles ni Mr. Si kaya napagdesisyunan kong makipag-cooperate nalang din.

"I hope you're ready for the next one," he slightly peeked back at us and as if our competitive faces look amusing, he smirked, "next riddle, my life can be measured in hours, I serve by being devoured. Thin, I am quick. Fat, I am slow. Wind is my foe. What am I?"

Muling napaisip ang lahat, sa tingin ko naman ay narinig ko na ang riddle na 'to noon pero nakalimutan ko kung ano.

Life is measured in hours, serve by being devoured? Kapag manipis ay mabilis, kapag mataba naman ay mabagal, hangin ang kalaban—oh I know!

I was about to utter my name when Hera blurted out hers.

"Hera, you may answer," Mr. Si said.

"A candle, the answer is candle," nakangiting aniya habang inaayos ang pagkakalagay ng salamin sa mukha.

"Very good, okay next riddle—"

"Mr. Si, hirapan mo naman, 'di man lang ako nachachallenge oh," antipatikong sabi ni Axel.

Natawa naman kami sa sinabi niya dahil sarcastic ito. Si Axel nalang kasi ang wala pang nasasagot sa'min. Leading si Niel, samantalang ang least naman bukod kay Axel ay—ako, isa palang ang nasasagot ko. Gusto kong mahiya sa fact na 'yon, well in my defense, alam ko naman ang mga sagot sa tanong, nahuhuli lang talaga ako sa pagkagets.

"Okay, because Ventura requested so, let's have a hard one, which of the following words don't belong in the group and why? Corset, coster, sector, escort, courts."

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon